^

PSN Showbiz

Lovi, walang problema sa metabolism kahit malakas kumain

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon

Alam mo, Ateng Salve, naniniwala ako sa blessing in disguise.

Alam mo ba na after sana ng taping ni Lovi Poe para sa I Can See You ng GMA 7, dapat sana ay mag-COVID 19 swab test uli siya at magka-quarantine para sa pagsisimula ng shooting ng pelikula nila ni Joem Bascon, pero nagkaroon ng problema sa location at hindi muna natuloy ‘yon.

So, bakante nga muna si Lovi dahil ‘yung GMA 7 series naman nila ni Benjamin Alves ay first week of November pa ang resume.

Dahil wala ngang ginagawa muna, nakaalis   si Lovi pa-Los Angeles, California.

Hindi naman inililihim ni Lovi ‘yon dahil panay ang post niya ng pictures at video sa kanyang social media account kung saan ay kasama niya ang boyfriend na si Montgomery Blencowe na isang Hollywood producer.

‘Katuwa nga dahil nang minsang mag-crave sina Lovi at Monty ng Filipino food, nag-message ang dalaga sa akin para magtanong kung saan ‘yung pino-post ko palagi na Filipino restaurant sa may L.A.

Noong nasa L.A. kasi ako ay panay ang kain ko sa Nova’s Grill sa Covina, na medyo malayo naman sa bahay ni Monty, pero dahil si Lovi ‘yon, ginawan ko ng paraan na madalhan sila ng food mula sa restaurant ng kaibigan kong si Nova Mendoza.

Nakaka-touch naman si Lovi dahil nag-message siya kay Nova para sabihing napakasarap ng mga pagkaing pinadala sa kanila ng kaibigan ko.

Palagi ngang sinasabi ni Lovi na kahit sexy siya, ang lakas niyang kumain at napapalakas ang kain niya ng kanin kapag may sinigang, huh! “I exercise and train para makakain ako ng gusto ko! Malakas talaga ako kahit sa rice kapag may sinigang!” sey ni Lovi.

Parang ikaw rin si Lovi, Ateng Salve, panay ang exercise at training para makakain, pero sexy pa rin, ‘noh?!

May food na favorite rin si Lovi na natikman namin sa Iloilo at sa tuwing pinadadalhan siya no’n (na parang Bicol Express) ng friend na­ming si Tin Que ay tuwang-tuwa siya.

Naku, sana parang ako rin si Lovi na kahit malakas kumain ay hindi tumataba. Kakainggit nga siya dahil mabilis ang metabolism niya at konting exercise at training lang, flat na flat na kaagad ang tiyan, huh!

Anyway, masaya nga pala si Lovi na maganda ang feedback sa I Can See You episode nila nina Tom Rodriguez at Winwyn Marquez, ang High Rise Lovers na nagtapos na noong Friday sa GMA Telebabad.

Barbie, Heaven at Michelle, hindi nagpakita ng kaartehan

Alam mo, Ateng Salve, ‘katuwa lang na malamang happy set ang lock-in taping ng Bagong Umaga, ang bagong afternoon series ng ABS-CBN na magpa-pilot telecast on October 26.

Behaved kasi ang mga bida ng Bagong Umaga na sina Barbie Imperial, Heaven Peralejo at Michelle Vito, plus their partners na sina Tony Labrusca, Kiko Estrada at Yves Flores, kaya ang bilis daw lalo ng takbo ng taping nila.

Wala nga raw attitude ang tatlong girls.

Puring-puri nga sila ng senior cast ng Bagong Umaga.

Actually, pare-parehong very thankful sina Barbie, Heaven at Michelle na sa kanila ipinagkatiwala ng Kapamilya network ang Bagong Umaga.

Ang nasabing series nga pala ang dating Cara y Cruz na pagbibidahan sana ni Julia Barretto, pero tinanggal nga siya doon nang lumipat siya sa Viva Artists Agency.

vuukle comment

LOVI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with