^

PSN Showbiz

Erik aprubado ang ‘ngayong pasko’ ni Jeremy

Pilipino Star Ngayon
Erik aprubado ang �ngayong pasko� ni Jeremy
Jeremy
STAR/ File

Mapapakinggan na ang unang Christmas single ni Jere­my G na Ngayong Pasko, isang puno ng panghihinayang na kanta na orihinal na inawit ng kapwa niya Kapamilya singer na si Erik Santos. “Isang maagang pamasko para sa inyong lahat,” masayang paglalahad ng dating The Voice Teens Philippines  season 1 grand finalist.

Aprubado naman ni Erik ang bersyon ni Jeremy dahil nag-comment siya sa post nito sa Instagram at sinabing “better” ang bagong bersyon ng Ngayong Pasko kaysa sa orihinal.

Unang ini-release ang Ngayong Pasko noong 2007 bilang bahagi ng All I Want This Christmas album ni Erik Santos. Isinulat ni ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo ang lyrics at musika nito.

‘Di kagaya ng masasayang awitin tuwing Pasko, ang kanta ay nagpaparamdam ng lungkot sa selebrasyon dahil sa mga masasakit na alaalang nakadikit dito.

Bago ang Ngayong Pasko, nag-release ang Star POP artist ng single na  Dito Na Lang ngayong taon at nakipag-collaborate sa kapwa young singer na si Jayda para sa kantang Perfectly Imperfect noong 2019.

Kamakailan lang, nanalo rin si Jeremy at composer na si Kiko “KIKX” Salazar ng Awit Award para sa Best R&B recording para sa unang original single niya na Sa’Yo.

vuukle comment

ERIK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with