^

PSN Showbiz

Korina, may kailangang sagutin tungkol kay Kris

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
Korina, may kailangang sagutin tungkol kay Kris
Korina
STAR/ File

Naku, Salve, ang bongga rin ng Papa Albee Benitez ni Manay Lolit Solis, huh!

Lahat ay na-excite na makatsikahan siya sa pa-presscon at grand welcome sa kanya ng TV5 noong Monday,’noh?!

Parang lahat nga ng entertainment press at bloggers na kasama sa Zoom app event na ‘yon ay gustong magtanong kay Papa Albee, pero kulang naman sa oras dahil kasama rin doon ang mga artista ng tatlong shows niya, ang Oh My Dad! na pinagbibidahan nina Ian Veneracion, Dimples Romana, Sue Ramirez, Ariel Ureta at Ms. Gloria Diaz (yes, may “Ms.” sa billing ng ating first Miss Universe).

Siyempre, nandoon din ang main hosts ng Sunday Noontime Live (SNL) na sina Miss Universe 2018 Catriona Gray, Maja Salvador, Donny Pangilinan at Jake Ejercito (wala si Piolo Pascual), plus ang cast ng I Got You series.

Mamaya, aabangan na naman si Papa Albee dahil may isa pang pa-presscon ang TV5 para naman sa Rated Korina, Lunch Out Loud (LOL), at gag show na Sunday ‘Kada.

Ang Mama Korina Sanchez na lang ni Manay Lolit ang tatanungin ko mamaya tungkol sa tsikang binalak na mag-back-to-back shows sana sila ni Kris Aquino, pero may isa nga raw sa kanila ang tumanggi, huh!

Knowing Korina, wala naman siyang inaatrasang tanong, so for sure, may sagot siya tungkol diyan, ‘noh?!

Anyway, dahil sa nalalapit na pagsisimula ng shows ni Papa Albee sa TV5, lalong nagiging exciting ang Kapatid network, huh!

Agree, Ms. Peachy Guio­guio and Pat P. Daza?

Pia, babalik na lang sa trabaho

Remember, Ateng Salve, noong mag-post sa Instagram story niya ang sister ni Pia Wurtzbach na si Sarah Wurtzbach, may nag-forward na kaagad sa atin ng tungkol doon at puwede sana nating inihabol para lumabas kaagad noong Monday, pero hindi nga natin pinatulan kaagad ‘yon dahil mahirap makialam sa away ng pamilya, huh!

So, after nga, may pakiusap sa netizens ang kapatid ng ating Miss Universe 2015 na tigilan ang pag-hate kay Pia, ‘noh?!

Siyempre, kung hindi naman nag-post ng ganoon si Sarah, hindi naman maiirita ang ibang netizens kay Pia, huh!

Pero buti na lang, isa ako sa mga hindi pumatol sa paglalabas ni Sarah ng mga hanash niya tungkol sa kanyang ate.

Sabi nga, kahit ano pa ang mangyari, magkapatid pa rin sina Pia at Sarah at mahirap maipit sa gitna kapag nagkabati silang magkapatid, ‘noh?!

Anyway, alam mo ba, Ateng Salve, may tsika akong narinig na may binabalak ang ABS-CBN na bigyan ng show si Pia.

Kung ano ‘yon, tiyak na marami ang masu-surprise at maiintriga – kung matutuloy, huh! How exciting. ‘Yun na!

vuukle comment

SNL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with