^

PSN Showbiz

Vice at Janine, pinag-usapan ang mga pinaretoke sa mukha

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Vice at Janine, pinag-usapan ang mga pinaretoke sa mukha
Vice at Janine

Kaswal na kaswal na pinag-usapan nina Vice Ganda at ng Tawag ng Tanghalan champion na si Janine Berdin ang tungkol sa ipinaayos nila sa kanilang mukha.

Si Janine ang guest ni Vice Ganda sa kanyang programang Gabing-Gabi na Vice sa YouTube Channel nito kama­kalawa lang.

Gustong malaman ng comedian/TV host mismo kay Janine kung ano ang ipinabago sa kanyang mukha. Marami kasi ang talagang curious kung ano ang mga ipina-enhance nito sa kanyang mukha dahil ang laki ng iginanda lalo ng mukha niya sa huling post nito sa kanyang Instagram account.

Maayos ang pakikipagtsikahan ni Vice Ganda sa TnT champion na sa una pa lang ay nilinaw niyang hindi nila pinu-promote o ineengganyo ang mga taong magparetoke rin ng mukha.

Hindi ikinaila ni Janine na ang ilong niya ang ipinaayos niya at maaaring nadamay ang sa mata niya dahil ang laki rin ng iginanda nito. “Biggest insecurity ko po talaga yung nose ko. So iyon lang po ang ipina-enhance ko yung nose ko po,” pakli ni Janine.

Wala pa palang isang buwan ang operasyon, na-excite na agad si Janine na nag-post sa kanyang social media account dahil masayang-masaya raw siya sa kinalabasan. “Ang saya ko po talaga everytime ma-o-open ko yung camera. Nagugulat din ako sa self ko minsan kapag nakita ko sa salamin, Ay!

“Kasi, parang nasa-sad ako lagi alam ko sobrang blessed ako. Parang ako kasi mismo ang source ng sadness ko. Ngayon nararamdaman ko ang saya ko. Kitang-kita po ang difference na hindi ako masaya sa sarili ko dati,” dagdag niyang pahayag.

Sa kanilang pananaw, walang masama kung meron man silang ipinagawa sa kanilang katawan dahil gusto lang naman daw nilang lalo pang pagandahin ang regalo sa kanila ng Diyos.

Hindi ikinakaila ni Vice Ganda na nagpaayos siya ng mata, pisngi at baba, kasi gusto lang daw niyang lalong pagandahin, kagaya ng regalo na gusto mong lagyan ng ribbon o pagandahin ang pambalot. “Iyung katawan mo ang itsura mo, gift mo yan eh. Pero ‘di ba kanya-kanya naman tayo choice kung paano natin pagandahin ang regalo sa yo?” saad ng Unkaboggable Star.

Sanya lalagare sa Yaya at Agimat

Hindi mo talaga ma-control ang mga fans ni Marian Rivera na mag-react sa pagpili kay Sanya Lopez na kapalit sa drama series nitong First Yaya. May mga nagsasabing iba raw talaga kapag si Marian ang gaganap, at magkaibang level daw sila kaya hindi raw puwedeng pagkumparahin. May ilan pa ngang nagsasabing hindi raw nila pano­noorin pero marami rin ang suportado ito at gusto nila si Sanya para sa naturang role.

Malamang, suportado rin ito ni Marian dahil sinabi na nito na nasa GMA 7 naman daw ito kung gusto nilang ituloy. Kaya maging masaya na lang siguro at huwag nang i-nega ang pagiging First Yaya ni Sanya.

Ayon sa ilang napagtanungan namin, tuloy pa rin daw si Sanya sa Agimat ng Agila ni Sen. Bong Revilla. Next month na rin sila magsisimula at kaya naman daw ayusin ang schedule dahil weekly lang naman ang kina Sen. Bong.

 Masaya nga si Sen. Bong para kay Sanya dahil deserved naman daw ng sexy actress na mabigyan ng ganun kagandang project.

vuukle comment

VICE GANDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with