^

PSN Showbiz

Robi, pakakasalan na ang GF

SHOWBIZ NEW NOW NA - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Robi, pakakasalan na ang GF
Robi at Maiqui

Mahigit dalawang taon nang magkasintahan sina Robi Domingo at Maiqui Pineda. Ayon sa TV host ay nararamdaman niyang ang dalaga na ang pakakasalan at makakasama niya habambuhay. “I feel it, I really feel na ito na talaga ‘yon. Nowhere to go but up, but there. One year younger siya, iniisip ko rin naman ‘yung biological component. Siyempre ang mga babae at the age of ganyan may pressure din sa kanila. So I take that into consideration,” pagtatapat ni Robi.

Tatlumpu’t isang taong gulang na ngayon ang binata. Napagkasunduan umano ng magkasintahan na pagtutuunan muna nila ng panahon ang kanya-kanyang trabaho bago sila magpakasal. “May pangarap ako para sa sarili ko rin na gusto kong maabot. At kapag siya ay may sarili ng space sa kanilang opisina, ibig sabihin kung may position na siya, at kung mayroon na akong certain achievement and credential sa buhay, I think that’s high time. Kung mangyari man ‘yon eh di panahon na para lumuhod (mag-propose),” nakangi­ting pagbabahagi ng TV host.

Malaki ang pasasalamat ni Robi kay Maiqui dahil talagang nakasuporta raw  ang dalaga sa kanya noong mga panahong may pinagdadaanan siya.

Matatandaang si Gretchen Ho ang huling nakarelasyon ni Robi bago naging kasintahan si Maiqui. “Ang hirap lang kasi ang daming kaguluhan na at saka ang hirap gumalaw. Fragile ako noon sobra, konting usap lang, bagsak agad. So I found myself going to different bars. Matatapos ang trabaho ng 11 p.m., diretso ako ro’n kasama ang barkada ko. Uuwi ako 6 a.m. or 7 a.m. Dumaan ako sa phase na ‘yon, kapagod pala siya. In-enjoy ko ‘yon for one year,” kuwento ng binata.

Gardo, biglang nagkaproblema dahil sa KathNiel

Nahiligan ni Gardo Versoza ang paggawa ng TikTok videos. Mara­ming netizens ang naaaliw sa pagsasayaw ng aktor at kamakailan ay nag-trending din ang video nito na sumasayaw kasama sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Kabilang si Gardo sa bagong proyekto ng KathNiel na The House Arrest of Us. Nagkatuwaan minsan ang kanilang grupo habang nasa shooting ng naturang digital movie series. “Nahihiya pa ako sa kanila no’ng una. Tapos nilapitan ko si DJ, sabi ko, ‘May ilalambing sana ako sa iyo?’ So napaisip siya, akala niya siguro kung ano ‘yon. Sabi ko, ‘Baka naman pwede ko kayong makasama sa TikTok?’ ‘Naku, Tito!’ Biglang dumistansyang konti. Sabi niya, ‘Parang babaligtad yata ang sikmura ko.’ Sabi ko kaya mo ‘yan.’ Sabi ko simple lang hindi naman ‘yung complicated,” nakangiting kwento ni Gardo.

Nakagawa naman ng video ang aktor kasama ang KathNiel at pagkatapos ma-upload nito ay kaagad itong nag-viral. Nagkaroon daw ng problema si Gardo dahil maraming mga tagahanga nina Kathryn at Daniel ang humihiling na dagdagan pa ang video na sumasayaw ang magkasintahan. “Ang problema ko ngayon ‘yung mga fan at supporter nila sobrang dami, tadtad, naghahanap ng kasunod. Hindi ko masabi, naku, pahirapan ‘yung lambing na ‘yan. Sabi ko nga priceless ‘yung TikTok nina DJ,” dagdag pa ng aktor. (Reports from JCC)

vuukle comment

ROBI DOMINGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with