^

PSN Showbiz

Marian, tanggap na bagong yaya si Sanya

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Marian, tanggap na bagong yaya si Sanya
Marian

Si Sanya Lopez na ang First Yaya tulad nga ng nasulat dito sa PSN kahapon. At ngayon pa lang ito magkakaroon ng official announcement mula sa GMA.

Of course, malaki ang difference kay Marian Rivera, pagdating sa status at leveling. Pero puwede namang bigyan ng ibang flavor ni Sanya ang dapat ay role ni Marian.

Mahirap nga ang magiging katayuan ni Sanya dahil tiyak na laging may comparison sa sana ay performance ni Marian, pero kahit naman si Marian ay wishing na sana magtagum­pay si Sanya.

Natuwa nga si Marian dahil matutuloy pa rin ang project na hindi niya nagawa dahil nga sa kanyang mommy duties, at para sa kanya, ok lang na mapunta iyon kay Sanya.

Big break ito for Sanya at siguro naman, she will not fail sa expectations sa kanya.

Father Sonny, naging takbuhan ng mga artista

Siguro, pag namamatay ang mga pari, diretso sila sa langit. Namatay si Father Sonny Ramirez noong isang araw, ang spiritual adviser at parang founder na rin ng Oasis Of Love, na naging gabay ng maraming artista sa spiritual awakening noong ‘90s.

Ito noon ang nagsimula ng matinding bonding sa mga taga-showbiz at halos lahat ng malaking artista at director. Ang sarap mag-homily ni Father Sonny kasi nga ang lakas ng sense of humor nito, kaya hindi ka maiinip ‘pag siya ang nagmisa.

Friend siya at takbuhan ng mga may problema sa showbiz, kaya naman kilalang-kilala siya ng lahat. For a while, nasa San Domingo church siya at madalas dalawin ng mga kaibigan doon.

Malaking tatak ang iniwan ni Father Sonny Ramirez sa lahat, lalo na sa members ng Oasis of Love na minahal at pinagpaguran niya.

Wait for us, Father Sonny, and welcome us when we join you wherever you are.

Stress at galit, nakakapagpahina ng immune system

Sabi ng immunologists dalawang bagay kaya bumababa ang immune system ng tao, ‘yung galit at stress. Saka affected din pala sa immune system ang emotional at mental state natin.

‘Pag pala sad ka, madali kang tamaan ng sipon o ubo, at ‘pag nagalit ka, mga limang oras na mababa ang immune system mo. Ang galing noh, hindi lang pala gamot ang puwedeng magpalakas sa atin, puwede pala iyon mismong tayo ang makakatulong sa sarili natin.

Siguro kung lahat ay nasa happy disposition, siguro mahirap tayong mapasok ng virus. Iyang mga negative feeling kasi ang madalas na reason kung bakit physically affected tayo, basta meron kang galit, pati ang isip mo ay hindi maganda ang paggana, siyempre ‘pag galit ka wala kang maiisip na mabuti at iyon ang sisira mismo sa desisyon mo. ‘Pag happy ka, clear ang mind mo, maayos ang trabaho at kilos mo.

Be happy, be positive, at walang gaganang virus sa paligid. Pinakamahirap talaga ‘yung virus sa utak natin, kakainin niya ang buong katawan at hindi tayo gagaling. Kung stress-free, mas magiging maginhawa ang buhay natin.

vuukle comment

MARIAN RIVERA

SANYA LOPEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with