^

PSN Showbiz

Tony, nasa bucket list ang maggupit at magka-barber shop

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Tony, nasa bucket list ang maggupit at magka-barber shop
Tony
STAR/ File

Bago pasukin ang show business ay matagal na nanirahan si Tony Labrusca sa Canada. Maraming mga trabaho na ang nasubukang gawin ng binata noon bago pa nakabalik sa Pilipinas. “No’ng 20 (years old) ako, hindi ko alam kung ano ‘yung gagawin ko sa buhay ko. Kasi nagtatrabaho lang ako minimum wage, nag-aaral ako magbarbero, tapos naisip ko lang, ‘Ito na lang ba ‘yung magiging buhay ko?’ Ayoko lang kasi na ‘yung future ko, na I would live paycheck to paycheck. Siguro ‘pag 50 na ako makakapag-retire na ako. This is my home, so kahit hindi ko alam kung anong meron para sa akin dito, pumunta pa rin ako,” pagbabahagi ni Tony.

Matatandaang nagsimula ang binata sa telebis­yon nang sumali sa Pinoy Boyband Superstar noong 2016. Hindi man pinalad na manalo ay napasabak naman sa pagiging artista si Tony. Ang tanging pangarap lamang daw ng aktor noon ay manggupit ng buhok o maging barbero at hanggang ngayon ay nagpaplano pa ring magkaroon ng sariling barber shop. “Nagtatrabaho ako ng three normal jobs, tapos nag-aaral ako magbarbero pero hindi ko kasi ma-afford na pumunta sa school so nag-apprentice ako sa iang salon do’n. So no’ng pumunta ako sa Pinas, wala akong balak mag-artista. Gusto ko maggupit ng mga tao dito. Kasi akala ko nga ‘yon ‘yung gagawin kong trabaho. That’s also on my bucket list na magpatayo ng barber shop,” paglalahad ng aktor.

Naubusan ng pera noon si Tony dahil nahiligang maglaro sa arcade ng isang mall sa Makati. Doon pa lamang naisipan ng binata na subukan ang pagiging artista katulad ng amang si Boom Labrusca. “Konti lang ‘yung pera ko, $300, naubos ko sa Timezone. Araw-araw ako naglalakad papuntang Glorietta. Kaya ako nag-artista kasi naubos na ‘yung pera ko, pumunta ako sa mga VTR (auditions),” natatawang kuwento ng binata.

CSC, may mensahe kay Coco

Limang taon nang napapanood sa telebisyon ang FPJ’s Ang Probinsyano na pinagbibidahan ni Coco Martin. Nagbalik na rin sa free TV ang naturang serye sa pamamagitan ng A2Z Channel 11. Kung sakaling mapapabilang sa nangungunang programa sa primetime ay mayroon daw sasabihin si Charo Santos-Concio sa karakter ni Coco bilang si Cardo Dalisay. “Cardo, may pagkasapusa ka ba? Seriously speaking, siguro sasabihin ko, ‘Cardo, huwag kang mag-alala sa kahuli-hulihan ay magtatagumpay ang kabutihan sa kasamaan,” makahulugang pahayag ni Charo.

Masayang-masaya rin ang dating Presidente at CEO ng ABS-CBN dahil muling nagbabalik ang Maalaala Mo Kaya sa free TV. “Na-miss ko rin at na-miss ko ‘yung loyal Kapamilya natin na sumusubaybay, nanonood ng MMK. Natutuwa nga ako sa mga message na natatagpuan ko since the announcement that some of the ABS-CBN programs will be back on the air. So nakakatuwa,” nakangiting pahayag ni CSC.  (Reports from JCC)

vuukle comment

TONY LABRUSCA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with