^

PSN Showbiz

‘Katawan ko ‘to, ako ‘to, sarili ko ‘to’ Angel walang isyu sa kanyang katabaan!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
�Katawan ko �to, ako �to, sarili ko �to� Angel walang isyu sa kanyang katabaan!
Angel Locsin

“May mga bagay kasi na hindi mo dapat gawin sa kapwa mo. Kung ang taong ito comfortable siya sa ginagawa niyang ‘yan, ayaw ko mag-deal sa mga ganu’ng klaseng tao. Kasi sad ang life niya. Kasi ako, wala akong problema. Bakit ikaw ang dami mong isyu?

Ako nga, walang isyu, eh. Katawan ko ‘to, ako ‘to, sarili ko ‘to.

“Eh, ikaw, okay ka ba?” ang sabi ni Angel Locsin sa kanyang interview sa Tonight With Boy Abunda last January 29, 2019 episode na posted uli sa Facebook page ng actress kahapon (na may administrator).

Na most probably ito rin ang reaction niya sa nag-viral niyang photos kung saan nga sobra ang idinagdag niyang timbang.

Though sa kanyang IG story ay nasa Ivee Clinic siya kahapon at parang nagpapa-facial or something at walang trace na bothered siya sa kanyang weight.

Malayo rin sa nag-viral na photos habang nasa taping ng kanyang programa sa Kapamil­ya Channel / A2Z na Iba ‘Yan ang hitsura niya sa IG habang nasa beauty clinic nga.

Marami kasi ang na-shock sa nasabing photos ni Angel na kuha diumano sa Our Lady of Grace Church ng isang netizen recently na naabutan niya raw nang magpunta siya sa nasabing simbahan.  “Nagsimba lang naman kami nakita ko na si Angel Locsin super gandaaaa. Sabi nya samin ‘Hi po sorry sandali lang po ah’,” ang caption ng netizen sa nasabing photos ng aktres.

 “Di ‘yan edited mga kadarna ano ba HAHAHAHAA I-msg nyo ko send ko video HAHAHAHA,” ang sagot pa ng nasabing netizen sa mga nagdududa na hindi naman updated ang nasabing viral photos ni Angel dahil hindi na raw ganun kataba ang actress ngayon. Umabot sa 10K ang shares ng nasabing post ng isang netizen na taga-Caloocan.

Last June lang nag-viral ang photo ni Angel na halos ganun ang weight o parang mas malaki pa sa nasabing viral photos niya the other night

Bukod sa pagka-shock, majority pa rin naman sa netizen ay pinupuri ang dating Darna dahil maganda pa rin naman siya. Besides wala namang masama kung mataba. At ‘wag kakalimutan na lagi siyang handang tumulong sa mga nangangailangan.

Nauna nang na-mention na dahil sa sakit niya sa spine kaya kailangan niyang mag-steroids na ang epekto sa mga nagti-take nito ay ang pag-gain ng weight.

Recently lang ay lumabas sa survey na si Angel ang most admired woman in the Philippines ngayong 2020 habang si President Duterte ang most admired man.

Bukod sa pagiging actress kilalang philanthropist ang magiging misis ng producer na si Neil Arce.

 

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with