^

PSN Showbiz

KZ at TJ, last August pa kinasal sa farm!

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
KZ at TJ, last August pa kinasal sa farm!
KZ at TJ

So, finally ay inilabas na nga ni KZ Tandingan ang tungkol sa kasal nila ni TJ Monterde.

Noong August 28 pa ikinasal ang dalawa, pero noong Thursday night lang ‘yon nalaman ng publiko.

Actually, napag-usapan na nga natin ang tungkol sa bagay na ‘yon, Ateng Salve, right after ng kasal nila, pero sabi ko nga sa‘yo, secret daw ‘yon, kaya hindi ko puwedeng isulat. Ayoko naman kasing magmaldita at unahan sila sa announcement, huh!

Nakasabay kasi nila sa The Farm at San Benito (Batangas) ang ilang friends ko, at isa sa mga ‘yon ang nakapagtsika sa akin.

Eh, nasa kasal nina KZ at TJ si Martin Nievera, plus si Joy Alonzo na manager ng Concert King, ayoko rin naman na kung isusulat ko ang tungkol doon ay akalain pa ng iba na sila ang nagkuwento sa akin.

May nagtsika nga rin sa akin na alam din ni KC Concepcion ang tungkol sa kasal nina KZ at TJ dahil nasa The Farm din ang panganay ni Sharon Cuneta that time. Pero kahit nandun si KC, hindi siya kasali sa kasalang ‘yon.

Konting-konti lang daw ang invited nina KZ at TJ.

Anyway, alam mo ba, Ateng Salve, a week after ng kasalang ‘yon, tinawagan ko si Joy at ang sabi ko sa kanya, “Friendship, kapag may gusto akong ilihim, ikaw lang ang pagsasabihan ko. May alam kasi ako tungkol sa kasal nina KZ at TJ, pero quiet ka lang. Never mong sinabi sa akin kahit pa-secret!”

Hindi nagulat si Joy na alam ko, “Sabi ko na nga ba, alam mo, pero siyempre, quiet ako. Cannot say anything about that. Pero at least, Friendship, hindi mo isinulat ‘yung tungkol sa kasal nila. Better nga na quiet ka kahit may nagkuwento sa ‘yo,” sey ni Joy sa akin.

Anyway, dahil lumabas na nga ang tungkol doon, puwede na akong mag-congratulate kina KZ at TJ. So, congratulations!

Donita, magtatrabaho sa Pinoy resto sa US

Ka-chat ko si Donita Rose the other day, Ateng Salve.

Kinumusta ko siya. Adjusted na ba sila ng anak niyang si JP sa pag-i-stay nila sa bahay ng kapatid niyang si Paul Cavett sa San Mateo, California (near San Francisco)? “Yes, we’re ok!” sabi ni Donita. “We’re happy here so far at home.” Nag-camping nga raw sila last weekend. “It was so fun!”

Tinanong din ako ni Donita kung ok ako, na sinagot ko ng, “I’m so good!” at sagot niya, “Wow, not only good, but so good. Parang in love ka, ha! Sasabihin ko sana, ‘Buti ka pa’.”

Siyempre, si Donita kasi, wala talagang love life. Busy siya sa pag-aasikaso sa anak na si JP. Tinanong ko nga pala kung nagwo-work na siya na sinagot niya ng, “Yes, but for now, I’m doing this as a trial. I have 7 recipes due for ________ (pangalan ng isang big Pinoy establishment), then we will talk after, baka next week.”

At least, mukhang may kinalaman sa pagiging chef niya (graduate siya ng culinary course) ang magiging permanent job ni Donita sa Amerika, huh!

Wow, nice. ‘Yun na!

 

vuukle comment

KZ TANDINGAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with