^

PSN Showbiz

GKNB, puwedeng salihan ng lahat

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
GKNB, puwedeng salihan ng lahat
Robi
STAR/ File

Ang saya ng media conference ng Game KNB sa Kumu app kahapon.

Ganun pala ‘yun, puwedeng mag-participate lahat ng followers sa Kumu app at magbigay ng gifts, vir­tually.

Nagpa-sample sila ng game at in all fairness, parang madali lang. Hahaha. Pero hindi puwedeng mabagal at malito, dapat alert ka.

Ayon sa game master nitong si Robi Domingo, maaaring sumali ang mga Pinoy mula sa iba’t ibang panig ng mundo sa bagong Game KNB?! sa Kumu app at sa Jeepney TV simula Lunes (Oktubre 12).

Handa na ngang hamunin ng bagong interactive game show ang kaalaman ng mga Pinoy na pwedeng salihan gamit ang mobile phones sa pamamagitan ng pagsali sa livestream nito sa Kumu (@gknb) at pagsagot sa trivia questions hindi katulad noon na sa studio ang labanan.

Ngayon, maaari na rin makisali ang local viewers at manalo ng papremyo habang nanonood sa cable channel na Jeepney TV sa pagsagot nila ng #TeamBahay Question of the Day gamit ang link na makikita sa Jeepney TV Facebook page.

Maaalalang naging consistent top-rating program ang original na Game KNB na umere sa ABS-CBN sa loob ng walong taon at naging host sina Edu Manzano and Kris Aquino. Talagang hinamon nito ang talino ng mga Pilipinong mag-aaral, professionals, at pati na rin celebrities at naghatid ng milyun-milyong papremyo sa iba’t ibang maswerteng contestants.

vuukle comment

ROBI DOMINGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with