^

PSN Showbiz

Dawn, mas gumaganda nang magkaedad

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Dawn, mas gumaganda nang magkaedad
Dawn
STAR/ File

Meron talagang mga tao na ‘pag nagkakaedad mas lalong nadadagdagan ang charms o sabi nga kung kelan tumanda, mas lalo pang gumanda o mas naging pogi. Like in the case of Christopher de Leon at Dingdong Dantes na mas nada­dagdagan ang edad, mas naiiba ang charms at parang mas defined ang features ng mukha.

Si Marian Rivera parang mas soft at sweet ang aura. Tulad ni Dawn Zulueta, na ibang-iba ang sexiness na ine-exude sa ngayon kesa noong kabataan niya. Si Jodi Sta. Maria, pag pinanood mo ngayon dahil sa sophisticated role niya, parang iba sa Jodi noon ‘di bah?

It’s either you aged gracefully or not, parang wine na mas masarap pag aged na, ganoon din siguro ang ibang tao. Pero meron din naman na dahil tumanda na hindi mo na makilala, dahil totally nag-iba ang hitsura at napabayaan ang sarili.

Tingnan mo si Salve, noong una mukhang poor, ngayon hitsurang richie richie na ‘di ba, Gorgy Rula. Hahaha.

Kasi nga, habang tumatagal mas nag-aayos ka o naiiba na rin ang pagdadala mo sa sarili, malungkot lang, meron namang habang nagtatagal, nagde-deteriorate ang hitsura.

Nasa pag-aalaga rin iyan sa katawan, kaya nga pagdating ng edad na 30, medyo bantay na sa hitsura para mas maganda ang pagtanda.

Lesson learned from watching stars growing old.

Brightlight, nagkaroon agad  ng kontrobersya

Naku ha, hindi ko akalaing magkakagulo dahil sa pagkaka-cancel ng presscon ng Brightlight Productions ni Papa Albee Benitez. Kasi nga sabi ni Pat-P Daza, bibigyan ng TV5 si Papa Albee ng welcome presscon, kaya baka mag-overlap kaya kinansel ni Pat-P. So ok lang sa akin, dahil desisyon ng Brightlight iyon kaya doon na lang sa presscon ng TV5 ituloy ang sana’y pag-welcome ng press kay Papa Albee Benitez at Korina Sanchez pati isang show ni Atty. Joji Alonzo.

Eh iyon palang  ‘yun sa TV5 sa Lunes pa, and at the same time mas gusto sana nilang matuloy din ang presscon ng Brightlight para nga mas suppor­tive sa welcome ng TV5, mas may show of force sana lalo ngayon na excited ang lahat sa pagpasok ng Kapamil­ya sa Zoe TV. Mas gusto nga ni Peachy Guioguio na sa Wednesday mag-presscon ang BrightLight kasunod ang presscon ng TV5.

Hindi ko alam kung ano ang promo plan nina Papa Albee at Pat-P kaya ok lang ‘yung desisyon nila to cancel ang sana’y Wednesday presscon. Eh biglang may nagsulat yata o nagsabi na baka maging Dimlight at hindi Brightlight dahil nga umpisa pa lang ay meron na agad cancellation. Joke lang naman siguro iyon, dahil bihasa na si Pat-P sa tema ng showbiz, at alam na rin niya ang pasikut-sikot ng PR kaya tiyak na ‘yung plans na inilalatag niya kay Papa Albee ay para sa ikagaganda ng production at press relation ng kompanya. Saka nandiyan naman si Peachy ng TV5 na very trustworthy at alam kung ano ang gagawin para hindi ma-offend ang press.

Hay naku, hindi ko akalain na umpisa pa lang controversial na ang Brightlight, at least, bongga ang mga spokesperson nila, sina Pat-P at Peachy ng TV5. Brighter light ha, hindi dimming light, Jun at Gorgy, ayaw ng Bacolod.

vuukle comment

DAWN ZULUETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with