^

PSN Showbiz

Singer/actor walang pagbabago ang kasupladuhan

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Hindi talaga palasalita ang isang singer-actor. Mula nang ipakilala siya sa showbiz ay palagi siyang napagkakamalang suplado.

Kahit kasi sa kanyang mga interview ay maramot siya sa pagsagot. Kung minsan nga ay parang kinokontra pa niya ang manunulat, medyo nagpapakita siya ng kaangasan, kaya maraming ayaw sa kanya.

Pero sinuwerte ang singer-actor, nagustuhan ng publiko ang kanyang mga piyesa, hanggang sa pati ang pag-arte ay pinasok na rin niya.

Ilang panahong namalagi sa ibang bansa ang male personality, sa kanyang pagbabalik ay saka siya inalok ng recording contract, at nagtagumpay naman siya.

Kuwento ng aming source, “May kasupladuhan talaga siya, napakaramot niyang ngumiti, kaya lalong nagdududa ang mga nakakahalubilo niya na hindi lang siya suplado, mayabang din siya.

“’Yun din ang kalat na kuwento sa concert scene. Wala siyang kibo, ni hindi siya nakikipag-usap sa production staff. Para siyang may sariling mundo.

“Pero nasanay na rin ang mga katrabaho niya sa ugali niya. Kung ayaw niyang makipag-usap, e, di panisin niya ang laway niya!” unang kuwento ng aming impormante.

Nu’ng minsang mag-shopping sila ng kanyang misis kasama ang kanilang mga anak ay ganu’n din ang kuwento. Hindi rin nagsasalita ang kilalang singer-actor.

Patuloy ng aming source, “Pero ang misis niya, e, napakadaldal, ha? Masayahin, ma-PR, marunong mag-adjust sa mga nakakahalubilo niya! Kabaligtaran siya ng husband niya!

“Kuwento ng mga sales ladies nu’ng nag-shopping sila, ni minsan daw, e, hindi nila narinig ang boses nu’ng singer-actor. Basta nakatingin lang daw siya sa misis at mga anak nila.

“Natural, suplado na naman ang nasabi nu’ng mga sales ladies tungkol sa kanya! Bakit daw ganu’n ang male personality, ni hindi man lang ngumingiti kahit pa kinakausap na siya ng mga tao sa shop.

“’Yun na siya talaga, hindi masalita, ni hindi ngumingiti, may sariling mundo nga siya! Buti na lang at kumakanta siya, naririnig ng publiko ang boses niya. Paano kung hindi?

“Nakakaloka siya! Parang hindi niya alam ang mundong pinasok niya! Malaki ang naitulong sa kanya ng pagiging singer niya, pero ngiti lang, e, hindi pa niya mai-share sa mga tao?

“Kahit minsan lang, hindi pa niya magawa ang ganu’n?” pagbibigay pa ng clue ng aming impormante sa kanyang pagtatapos.

Ubos!

Malalaswang joke ni Vice, babantayan na?!

Nagsisimula na ang pag-aalala ng ating mga kababayan kapag nagsimula nang mapanood sa A2Z Channel 11 ang It’s Showtime. Si Vice Ganda ang kanilang tinutumbok.

Christian station ang kanilang lilipatan bilang si Brother Eddie Villanueva ng Jesus Is Lord ang may-ari ng network. Paano raw kaya kapag nagpatuloy pa rin ang paminsan-minsang kasutilan ni Vice Ganda sa himpapawid?

Madalas na pumambol ang dila ng komedyante, ‘yun ang dahilan kung bakit siya naba-bash, magagawa pa rin daw kaya ‘yun ni Vice ngayong nasa isang Christian station na ang kanilang programa?

Mahirap ang sitwasyon ngayon ni Vice Ganda, siguradong babantayan ng manonood ang kanyang mga sinasabi, nakasalang na naman siya sa sangkalan ngayon.

Pero siguradong may mga magpapaalala kay Vice na hindi na sila mapapanood sa ABS-CBN, nasa ibang istasyon na sila, at kailangan niyang magpreno sa kanyang pananalita sa ere.

Si Vice pa naman, parang makinang de-susi, kapag nagsimula na siyang rumatrat ng mga double-bladed na litanya ay mahirap nang sawayin.

Pero masaya ang kanilang mga loyalista, pagkatapos nang ilang buwan ay mapapanood na sila ngayon sa free TV, ibang-iba nga naman ang sa isang pindot lang ay nasa telebisyon na sila.

Apat na noontime shows ang pamimilian ngayon ng mga kababayan natin. Ang deka-dekada nang naghaharing Eat… Bulaga, ang It’s Showtime, ang noontime show ng Net 25 at ang bagong bubuksang Lunch Out Loud ng TV5 sa pamamahala ni Direk Johnny Manahan at produced ng Brightlight Productions ni former Congressman Albee Benitez.

Palaging panalo ang taumbayan kapag ganyan na marami silang pagpipiliang mga programa. Sila ang nagbabayad ng konsumo ng kuryente, sila ang hari ng kanilang bulsa, kaya kung ano ang makapagpapasaya sa kanila ang kailangan nilang tutukan.

Ayos!

vuukle comment

ACTOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with