^

PSN Showbiz

Aktres na lantad ang kamalditahan, lumaking kapos sa atensyon

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Lantad ang kamalditahan ng isang kilalang female personality. Pati ang bukas ng kanyang bibig ay merong asim palagi.

Nagtataka ang marami kung bakit siya ganu’n katapang. Marami siyang nakakaaway. Palagi tuloy naikukumpara ang kilalang female personality sa isang babaeng personalidad na kadugo niya.

Nalulungkot na komento ng isang source, “Magkaiba kasi ang ugali nila ng sister niya, kung mabait at pasensiyosa ‘yung isa, e, para naman siyang pala-ging ready sa away!

“Iisang sinapupunan lang naman ang pinagmulan nila, pero bakit ganu’n, ang layu-layo ng ugali nila!” unang opinyon ng aming impormante.

Hindi naman pala kasi magkasamang lumaki ang sisterhood na ito. Napahiwalay pala ang mas nakababatang aktres sa kanyang pamilya habang nagkakaisip siya.

“Aminado naman siya, di ba? Feeling daw niya nu’ng nagkakaisip na siya, e, wala namang nagmamahal sa kanya. Sobra ang insecurity niya, naghahanap siya ng pagmamahal.

“Kaya naman pala ganu’n na lang siya kamaldita, kaya naman pala ganu’n na lang siya katapang, panahon pala ang nagpatapang sa kanya!” komento uli ng aming source.

Kinasuhan siya nu’n ng kanyang kapatid, sumobra naman kasi ang panglalait niya sa aktres, kaya humantong sa husgado ang kanilang problema.

“At hindi lang ‘yun! Remember, inaway-away rin niya nu’n ang ex na model ng boyfriend niya, di ba? Buti na lang at naayos ‘yun, dahil idedemanda rin siya nu’ng girl!

“At hindi rin siya gusto ng family ng sumunod na naging boyfriend niyang male personality! Sobrang insecure kasi siya, kapag dumadalaw sa family niya ang guy, e, nagagalit siya!

“Naku, napakarami niyang nakakaaway talaga! Ngayon na lang natin naiintindihan kung bakit. Lumaki pala siyang naghahanap ng attention at pagmamahal.

“Totoo nga ang kasabihan na kapag nahihirapan tayong intindihin ang ugali ng isang tao, e, balikan natin ang nakaraan niya. At ‘yun na! Marami nang nakauunawa sa kanya ngayon!” pabuntong-hiningang pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Ted, poste na agad sa TV5

Hindi lang ang mundo ng entertainment ang tinututukan ngayon ng ating mga kababayan. Pati ang balwarte ng mga news anchors ay interesanteng paksa rin para sa mga Pinoy.

Matagumpay nang nakapagsimula sa Radyo Singko 92.3 News FM ang tambalan nina Ted Failon at DJ Chacha. Napapanood din sila sa TV5 at One PH Cignal Channel 1.

Nakalipat na sa DZRH sina Anthony Taberna at Gerry Baja. Ang inaabangan ngayon ng mga kababayan natin ay ang paglipat ni Korina Sanchez sa TV5 sa pamamagitan ng kanyang programang Rated Korina.

Kumpirmado na ang paglipat ni Ate Koring sa kanyang bagong home studio, ang Brightlight Productions ni Congressman Albee Benitez ang kanyang prodyuser, pero may gustong linawin ang kampo ng magaling na news anchor bago magsimula ang kanyang magazine show sa TV5.

Hindi siya ang ipinalit kay Kris Aquino sa naunsiyami nitong show, magkaiba ang kanilang mga prodyuser, si Korina Sanchez ang unang choice ng Brightlight Productions.

Kinabog na naman daw ni Korina ang dati niyang kasama sa ABS-CBN na si Karen Davila, opinyon ng marami, pero ayon sa isang malapit sa newscas-ter ay gusto munang tutukan ni Karen ang kanyang pamilya ngayon kaya ayaw muna nitong tumanggap ng programa.

Nalalabnawan naman ang mga nakausap namin kay Henry Omaga Diaz bilang kapalit ni Kuyang Ted sa TV Patrol, kulang daw sa angas sa pagbabalita si Henry, at palagi siyang bumabakel.

“Kahit nga sa news break lang nu’n ng ABS-CBN, e, kulang na kulang na si Henry, parang wala siyang tiwala sa capacity niya, sa TV Patrol pa kaya?” pagpansin ng kaibigan naming propesor.

Nagririgodon ngayon ang mga news personalities pero nakauna na si Ted Failon na inaabangan na ngayon ng mga kababayan natin tuwing alas sais nang umaga sa Radyo Singko.

Dalawa na silang poste ngayon ni Raffy Tulfo sa bulwagang pambalitaan ng TV5, parehong walang inuurungan, parehong may paninindigan.

Ang buhay nga naman. Sa isang iglap lang ay nagkaipun-ipon ngayon sa TV5 at Radyo Singko ang malalaking perso-nalidad ng news at entertainment.

Wala talagang mayhawak ng bukas. Diyos lang ang nakakaalam kung saan tayo dadalhin ng kapalaran.

vuukle comment

FEMALE PERSONALITY

TED FAILON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with