^

PSN Showbiz

Ivana noon pa walang hilig sa bra, kutsinta ginagawang nipple tape

SHOWBIZ NEWS NO NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Ivana noon pa walang hilig sa bra, kutsinta ginagawang nipple tape
Ivana
STAR/ File

Noon pa man ay hindi na umano nakasanayan ni Ivana Alawi ang pagsusuot ng bra. Para sa sexy actress ay hindi komportable ang kanyang pakiramdam kapag mayroon siyang suot na bra.

Ayon kay Ivana ay dalawang pares lamang ng bra ang mayroon siya. “Dalawa, promise, eight years na. Ayokong may masikip sa katawan ko. Gusto ko lagi akong free, kasi ever since talaga hindi ako mahilig mag-bra. Unless ‘yung mga kutsinta na ididikit ko lang o kaya nipple tape para hindi makita ‘yung bakat,” natatawang pagbabahagi ni Ivana.

Ayaw din ng dalaga na nadadagdagan pa ang laki ng kanyang dibdib kaya hanggang maaari ay hindi talaga siya magsusuot ng bra. “Kasi hindi ko maintindihan kung malaki ba siya kasi parang cup D lang talaga siya. It’s not naman na parang double D, cup D lang ako. Kaya hindi talaga ako nagba-bra kasi lalo siyang lumalaki. Lalong sinasabi, ‘Ang laki ng boobs mo.’ ‘Yon ang one of the reasons why I don’t like wearing bra kasi nakakadagdag siya. Saka gusto ko walang padding para wala na silang masabi,” dagdag ng aktres.

Samantala, may isang tattoo si Ivana sa kanyang batok na imahe ng isang paru-paro. Naisipan umano itong ipalagay ng aktres dahil na rin sa kanyang mga pinagdaanan noon sa buhay.

“Kasi para siyang rebirth. Kasi no’ng time na lasenggera ako, brokenhearted, so all in one siya. ‘Yung meaning kasi ng butterfly para siyang rebirth na from caterpillar, pwede kang mag-grow into something beautiful,” paliwanag ng dalaga.

Heaven, bida na agad

Malapit nang mapanood sa Kapamilya Channel ang teleseryeng Bagong Umaga na pinagbibidahan nina Barbie Imperial, Tony Labrusca, Kiko Estrada, Michelle Vito, Yves Flores at Heaven Peralejo. Malaki ang pasasalamat ni Heaven sa pamunuan ng ABS-CBN dahil muli siyang nabigyan ng pagkakataon na makapagtrabaho sa network.

“Ahhh this is it! Super grateful for being entrusted with this project that it outweighs all the pressure. Thank you so much direk Lauren (Dyogi). Would also like to thank all the people working really hard for this, my network ABS-CBN,” post ni Heaven sa Instagram.

Matutunghayan sa naturang serye ang mga suliraning kinakaharap ng mga kabataang Pilipino sa araw-araw na pamumuhay at kung paano ito malalampasan.

Ayon kay Heaven ay nito lamang September 25 nakapagsimulang mag-taping ang buong production team ng Bagong Umaga.

“Ilang days pa lang kaming nagsu-shoot pero sobrang saya actually. Ipapakita talaga ‘yung buhay natin. Ipapakita talaga rito na every day may new problem at every day ay mapapaisip ka kung paano mo ‘yon haharapin. Kapag hinarap mo ‘yon may mga taong makakatulong sa iyo at may mga tao ring papahirapan ka. Pero nasa iyo ‘yon kung paano mo sosolusyunan ang problema na ‘yon sa araw-araw,” paglalahad ng aktres.  (Reports from JCC)

vuukle comment

IVANA ALAWI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with