^

PSN Showbiz

Joshua, mas may potential sumikat ‘pag walang loveteam

ISYU AT BANAT! - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon

Tama ang desisyon ni Joshua Garcia. Pagsikapan na lang muna niya ang kanyang career bilang solo star at umiwas na muna sa mga loveteam. After all, advantage ba talaga ang may loveteam?

Nakikita naman natin kahit na sa nakaraang panahon, hindi advantage ang may ka-loveteam. Una nagiging limi­tado ang kanilang kilos, kasi natatali sila sa ka-loveteam nila.

Sa isang loveteam, ang babae madaling itambal sa iba, pero iyong lalaki kailangan maghintay ng panahon para maging matagumpay na iba ang partner.

Bihira iyong nangyari kay Alden Richards na matapos mahiwalay kay Maine Mendoza nakagawa agad ng hit. Kasi naman ang ­leading lady ay si Kathryn Bernardo. Subukan ninyong itambal si Alden sa iba kung maging hit din kagaya noon. Ganoon din naman si Maine, na matapos aminin na boyfriend niya si Arjo Atayde, bumagsak din ang popularidad.

Masasabi ba ngayon na sa kasong iyan nakakatulong talaga ang isang loveteam?

Si Joshua Garcia, suwerte din iyan. Matapos siyang mahiwalay sa ka-loveteam na si Julia Barretto, mas dumami ang kanyang assignments, mas dumami pa ang kanyang endorsements. Ibig sabihin tanggap siya ng mga tao bilang solo star. Noong nagkasama sila ulit ni Julia sa isang pelikula, bumagsak pa. Ibig sabihin hindi talaga epektibo ang loveteam.

Kaya nga masasabi wise move ang ginagawang iyan ni Joshua. Ipagpatuloy lang niya iyan. Hasain pa niya ang kanyang sarili sa mas epektibong pag-arte at pagdating ng araw mas malaking star siya kaysa sa mga sumikat dahil sa loveteams nila.

Eh sa ngayon ba naman, sino pa bang loveteam ang sikat bukod sa KathNiel?

Mga baguhang atat sumikat, napapahamak sa pinipirmahang kontrata

Kailangang maging maingat ang kahit na sino sa mga kontratang kanilang pinipirmahan. Iyan ang problema ng halos lahat ng mga baguhang talents. Basta may nakapansin sa kanila, na sa tingin nila makakapitan para mas lalo silang sumikat, sige pirma agad ng kontrata. Hindi muna iniintindi kung ano ang responsibilidad nila sa kanilang pinipirmahan.

Kagaya nga iyan noong baguhang singer na hinahabol ni Kean Cipriano. Pumirma ng kontrata sa kanilang grupo, pero nang mabagal ang pagsikat at nakakita ng posibilidad na mas mapabilis ang pagsikat niya sa ibang kompan­ya, pumirma ulit.

Ganyan din ang kaso ni Nadine Lustre. May kontrata na, tapos bigla na lang sinabi na ayaw na niya. Hindi puwede iyon dahil ang isang kontrata ay “bilateral agreement.” Kasunduan ng dalawang partido at hindi puwedeng i-terminate ng isang partido lamang. Kaya kailangan isip-isip din.

Female star, MAhilig sa english na mali

May isang female star na ang hilig pang um-Ingles sa kanyang posts sa social media, eh nakakahiya naman ang kanyang Ingles. Noong isang araw, ginamit niya ang salitang “their” na isang pronoun na ibig sabihin “silang nagma-may ari” sa halip na “they’re” na isang contraction na ibig sabihin ay “they are.” Magkaparehong tunog, pero magkaiba ng spelling. Magkaiba ng kahulugan.

Kasi bakit umi-Ingles pa eh, hindi naman sila binabasa ng Kano sa kanilang posts. Pinoy lang din ang magbabasa sa kanila. Nakakahiya pa tuloy sila dahil umi-Ingles pa eh hindi naman marunong. Iyang salitang Ingles ay hindi batayan ng pagkakaroon ng “utak” ng isang tao. Gamitin na lang ang salitang Pinoy, mas ok pa.

vuukle comment

JOSHUA GARCIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with