^

PSN Showbiz

Aktres na nanuwag ng mga taong tumulong sa career, sadsad ang kabuhayan showcase

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Sa isang umpukan ng mga showbiz people (na sumusunod naman sa mga health protocol) ay ­na­ging ­paksa ang masaklap na kinuwian ang kapalaran ng isang dating sikat na female personality.

Buhos ang pagdating ng mga biyaya para sa kanya nu’ng kaitaasan ng kanyang popularidad, wala siyang ginustong hindi niya nakuha, bukod siyang pinagpala nu’ng mga panahong ‘yun.

Kuwento ng isang source sa umpukan, “Nakati­yempo kasi siya, e. Walang masyadong sikat sa linyang pinasukan niya nu’n. Napakatapang niya, sobrang tapang niya sa paghuhubad, maganda ang timing ng pag-entra niya.

“Kaya kumikita nu’n ang mga pelikula niya, nakuha niya ang atensiyon ng mga kalalakihan, hanggang sa pati ang TV, e, napasok na rin niya dahil sa katapangan niya,” unang kuwento ng impormante.

Dahil buhos nga ang mga biyayang dumarating sa kanya ay nakabili ng mga ari-arian ang female personality. Bukod sa isang magarang bahay sa isang subdivision ay meron din siyang naipundar na mga lupain.

Balik-kuwento ng aming source, “Pero dahil nu’n nga lang siya nakahawak nang milyones, e, yumabang siya. Para siyang ibon na bagong labas sa hawla.

“Hindi niya kinayang kontrolin ang kaangasan niya, kung sinu-sino ang nilalait niya nang walang kalaban-laban, nakalimot talaga siya sa kagandahang-asal.

“Sinuwag niya pati ang mga taong may mala­king naitulong sa tagumpay niya, kung anu-anong bintang ang inilabas niya, talagang nakalimot din siya sa nakaraan niyang buhay.

“At hindi pa siya nagkasya sa ganu’n lang, pati ang network na napakalaki ng nagawa sa career niya, e, kinasuhan din niya! Sino ang nabukulan?

“Ang pader bang kinalaban niya o ang ulo niya? Du’n na nagsimula ang kamalasan sa buhay niya. Tumumal na ang pelikula niya, wala na rin siya sa TV, bumagsak ang kabuhayan niya.

“Naibenta niya ang mga naipundar niyang properties, isinangla niya ang kanyang bahay na ang ending, e, nailit na ng bank! Balik sa pagiging taghirap ang female personality.

“Kung gaano kataas ang paglipad niya, e, ganu’n din kalakas ang pagbagsak niya! Siya lang ang dapat sisihin sa naganap sa buhay at career niya!

“Sadsad na sadsad ang kabuhayan showcase niya ngayon, meron man siyang trabaho, e, isa na lang siya sa marami. Kasi naman! Kasi naman!” napapailing na pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Jodi alert...kaso ni Claudine kay Raymart, tuloy ang giyera sa korte!

Sa isang panahon na ang akala ng marami ay tapos na ang digmaang legal sa pagitan nina Raymart Santiago at Claudine Barretto ay hindi pa rin pala.

Nadadalaw na ni Raymart ang kanilang mga anak ni Claudine, ang aktor ang sumasagot sa mga pangangailangan nina Sabina at Santino, napakaresponsableng ama ni Raymart.

Pero hindi pa pala tapos ang laban dahil nu’ng nakaraang Biyernes lang ay nakatanggap ng subpoena si Raymart mula sa prosecutor’s office ng Quezon City, ang asunto ay R.A. 9262, si Claudine na ang nagdemanda sa nakahiwalay nitong mister.

Sa kabuuan ng kaso ay maraming reklamo si Claudine, kasama na ang diumano’y pananakit nang pisikal sa kanya ni Raymart nu’ng nagsasama pa sila, kailangang dumalo sa imbitasyon ng piskalya si Raymart para sagutin ang mga bintang ng kanyang dating misis.

Kung bakit naman nataon ang pagda­ting ng subpoena kay Raymart sa kalalabas lang na balita na magkarelasyon na sila ni Jodi Sta. Maria.

Natural, maraming nag-iisip na baka ito na ang simula ng panggugulo ng aktres sa relasyon nina Raymart at Jodi, hindi ‘yun maiaalis dahil may imahe si Claudine ng pang-aabala kahit sa mga ex na ni Raymart nu’n.

Pero nilinaw ng isang source na matagal na palang kaso ito, tumagal lang ang pagdinig dahil sa pandemya, ngayon lang uli nagiging aktibo ang mga piskalya sa pagharap sa mga kasong nabimbin sa kanilang opisina.

Harinawang ganu’n nga. Sana nga ay dating asunto na ito na ngayon lang uli nabuksan dahil maliligaw ang marami sa pag-iisip na ginawa ito ni Claudine dahil may bago nang karelasyon ang ama ng kanyang mga anak.

Matagal na usapin pa ito, nasa piskalya pa lang ang kaso, bibilang pa nang mahabang panahon bago mapatunayan ng piskalya kung ibabasura ang asunto o iaakyat sa husgado.

Ang hindi maitatanggi ay malaking abala ang ganito. At nakapanghihinayang ang isang relasyong pareho man nilang inalagaan ay nauwi pa rin sa wala.

vuukle comment

CAREER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with