^

PSN Showbiz

Showtime, Probinsyano at ASAP uunahin sa zoe!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

May mga nagpu-post na sa social media malapit na ang pagsasanib ng ABS-CBN 2 at ng ZOE TV. Nadagdag na rin sa list ng Sky Cable ang ZOE TV.

Mukhang iyon na nga ang magandang balitang gustong i-share ng It’s Showtime.    

Pero wala pa silang official announcement sa ngayon dahil ang latest na narinig namin, wala pa talagang napa-finalize sa pag-uusap ng taga-ABS CBN at taga-ZOE.

Hindi pa raw kasi napagdesisyunan kung ilang oras ang ibibigay ng ZOE sa ABS-CBN.

Ayon sa ilang napagtanungan namin, hindi talaga ganun kahaba ang ibibigay na oras sa isang blocktimer.

Nakalusot lang siguro noon ang GMA 7 sa QTV 11 ng halos buong araw na kinuha nila, dahil hindi napapansin. Ngayon kasi mainit ang isyu ng franchise kaya nag-iingat lang talaga sila.

Ayon sa ilang source na nakausap namin, mula alas-dose ng tanghali hanggang alas-diyes ng gabi raw ang hinihi­nging oras ng ABS-CBN  sa ZOE TV bilang blocktimer. Masyadong mahaba raw iyon para sa isang blocktimer. Kaya pinag-uusapan pa talaga kung ilang oras lang ang puwede.

Maaring mauuna muna ang It’s Showtime at siguro pinag-iisipan pa kung alin pa ang mga programang puwedeng ipalalabas sa ZOE TV. Kung sakaling limitado lang ang oras na maibibigay sa ABS-CBN 2, malamang na ibibigay na ‘yan sa Ang Probinsyano at siguro ang ASAP Natin ‘To.

Kaya abangan na lang natin kung kailan na talaga sila mapapanood sa free TV via ZOE.

Tuluy-tuloy din ang pagpu-produce ng Kapamilya channel ng mga bagong programa.   

Ang Cara y Cruz na pagbibidahan dapat ni Julia Barretto ay ginawang Bagong Umaga tampok sina Heaven Peralejo, Barbie Imperial, Michelle Vito at leading men sina Tony Labrusca, Kiko Estrada at Yves Flores.

In-announce na rin nila ang isa pang teleseryeng Init Sa Magdamag na pagbibidahan nina Yam Concepcion, JM de Guzman at Gerald Anderson. Nilinaw nilang hindi raw ito remake ng pelikula nina Lorna Tolentino, Joel Torre at Dindo Fernando.

Ibinalik na rin ang Game Ka Na Ba na ihu-host ni Robi Domingo, at ang ina­abangan na rin ang digi movie nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na The House Arrest of Us.

Samantala, unti-unti na ring binabalik ang mga drama series ng GMA 7.

Mapapanood muna ang recap ng Descen­dants of the Sun ng dalawang linggo, at susunod na nito ang mga bagong episodes na nai-tape nila.

Ganundin sa Anak ni Waray vs. Anak ni Biday na natapos na rin ang taping, at ang tini-tape pa lang ngayon na Prima Donnas.

Ang latest naman sa ibang drama series, inaayos pa raw ang Love of My Life dahil hindi pa sure si Coney Reyes kung papayag siyang magpa-lock in sa taping.      

Ang Bilangin ang Bituin sa Langit ni Nora Aunor ay bandang mid-October o November na raw magsisimulang mag-tape.

vuukle comment

SHOWTIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with