^

PSN Showbiz

Female singer na wala nang maalala, alagang-alaga ng mga anak

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Nakalulungkot ang kuwentong ito tungkol sa dalawang kilalang babaeng personalidad na hindi matatawaran ang talento sa kani-kanilang piniling larangan.

May edad na ang female personality, ang female singer ay nakapagtatakang napakaagang nagkaroon ng dementia, pareho na nilang hindi nakikilala kahit ang kanilang mga kapamilya.

Ayon sa aming source, “Malakas pa ang veteran actress, okey ang kanyang health, pero wala na siyang naaalala ngayon. Kahit ang mismong mga anak niya, e, hindi na niya nakikilala.

“Sa kabila nu’n, e, tanggap na ng mga anak niya ang scenario, at least nga naman, kasama pa rin nila ang mommy nila kahit hindi na sila nakikilala,” unang impormasyon ng aming source.

Ang kilalang female singer naman ay nasa kasibulan pa lang ng kanyang edad, matagal na siyang hinahanap ng kanyang mga tagahanga, dahil kapag nasa gitna na siya ng entablado habang nagpe-perform ay ibinibigay niya ang lahat-lahat.

Patuloy ng aming source, “Walang nag-isip na maaga siyang magkaka-dementia dahil bata pa siya. Pero nangyari nga. Wala na rin siyang maalala, paminsan-minsan, e, kumakanta pa rin siya, pero mali-mali na ang lyrics at wala na siya sa tono.

“Napakayaman ng napangasawa niya, pero walang nagawa ang pera nila, marami na silang pinuntahang doktor dito at sa iba-ibang bansa man, pero hindi pa rin bumabalik ang alaala niya,” paglalarawan ng aming impormante tungkol sa magaling na female performer.

Napakasuwerte ng female singer sa pagkakaroon ng pamilyang mapagmalasakit sa kanya. Hindi siya pinababayaan, lahat ng paraan ay ginagawa nila para bumalik siya sa dati, lalo na ang kanyang mga anak.

Dagdag na kuwento ng aming source, “Ang mga anak niya, e, huminto sa pag-aaral, sila mismo ang nag-aalaga sa mommy nila, ayaw nilang ipaubaya sa mga caregiver lang.

“Sila ang nagpapaligo sa mommy nila, tulung-tulong ang magkakapatid, talagang isinakripisyo nila ang pag-aaral para masubaybayan ang female singer.

“Nakakalungkot ang nangyari sa kanya, hindi pa siya senior citizen, pero nagkaroon agad ng lapses ang memory niya. Kinakausap siya palagi ng pamilya niya, pero catatonic lang siya, walang maalala.

“Buhay niya ang pagkanta, kilalang-kilala siya sa concert scene, bukod kasi sa magaling na siyang performer, e, hindi niya napabayaan ang sexy figure niya.

“Haay, ang buhay talaga. Kahit milyonarya ka pa, e, walang saysay ang salapi kapag nagkaroon ka ng ganu’ng problema,” pagtatapos ng aming impormanteng balot na balot ng kalungkutan.

Ubos!

Juday lutang ang kaligayahan kay Ryan...

Showbiz na showbiz ang tema ng Usapang Real Life ni Ms. Luchi Cruz-Valdes nu’ng Sabado nang gabi. Dalawang personalidad na sikat at matagumpay sa kanilang linya ang kanyang panauhin—sina Judy Ann Santos at Claudine Barretto.

Bilang manonood na nasa labas ng kuwadro ay naramdaman namin na maligayang-maligaya si Juday sa poder ni Ryan Agoncillo at ng kanilang mga anak.

Produktibo ang kanilang pagsasama, nagnenegosyo sila, hindi nila itinutok lang ang kanilang panahon sa pag-aartista na totoo namang walang kasiguruhan.

Puring-puri si Juday ng mga nakakasama niya sa trabaho dahil mapagpahalaga siya sa staff at crew. Malapit ang kanyang puso sa maliliit na nagtatrabaho sa industriya na bata pa lang siyang artista ay mas matagal pa niyang nakakasama kesa sa kanyang pamilya.

Nakarehistro ang kaligayahan ni Judy Ann Santos sa kabuuan ng panayam sa kanya ni LCV.

Claudine, kabaliktaran ang sitwasyon

Kabaligtaran naman nu’n ang naramdaman namin para kay Claudine Barretto. Malikot siya sa harap ng mga camera, parang walang focus, idagdag pa na puro problema tungkol sa kanilang pamilya ang inikutan ng kanyang interbyu.

Lantaran niyang binanggit ang mga pangalan ng kanyang mga kapatid na itinuturing niyang kapamilya (sina Gretchen, Jay-Jay, Mito, Rhia), hindi niya binanggit ang pangalan ni Marjorie, na itinuturing niyang kalaban.

Hiyang-hiya siya sa naganap habang nakaburol si Daddy Mike, ayaw na raw niyang maulit pa ang ganu’n, kaya iniingatan na nila si Mommy Inday na kasama pa nila.

Kitang-kita ang lungkot sa mga mata ni Claudine, lalo na nang mapagtuunan ng panayam ang kanyang sakit na umaatake sa kanya, nag-ugat daw ang kanyang panic attack nang pumanaw ang dati niyang karelasyong si Rico Yan.

Bahagya rin niyang pinasadahan si Raymart Santiago na dumadalaw raw sa kanilang mga anak na sina Sabina at Santino kapag may panahon ang aktor. Hanggang du’n lang ang kanyang sinabi, mas nauna ang interbyu sa kanya ng URL kesa sa pagputok ng balita na karelasyon na ni Raymart si Jodi Sta. Maria.

Gusto rin daw niyang mag-vlog, ang una niyang iinterbyuhin ay si Mommy Inday Barretto, at ang unang tanong na ibabato niya sa kanyang mommy ay “Ano ang nararamdaman mo na nag-aaway-away ang mga anak mo?”

Sa kabuuan ng URL, kung kaligayahan ang rumerehistro sa mukha ni Juday, kay Claudine naman ay maraming kulang.

vuukle comment

ACTRESS

CLAUDINE BARRETTO

JUDY ANN SANTOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with