Matteo hindi pa nag-happy birthday sa daddy ni sarah
Hinihintay ng fans kahapon ang birthday greetings ni Matteo Guidicelli sa kanyang father in law na si daddy Delfin Geronimo ni Sarah.
Nauna na kasing nag-post si Sarah ng pagbati sa kanyang daddy na “Ang aking habambuhay. Maligayang kaarawan po tatay Delfin ko.”
Pero si Matteo, nang silipin namin ay wala pa ngang birthday post para sa dad in law niya, kaya pala waiting ang fans.
After ng wedding nina Matteo and Sarah na umano’y hindi nga alam ng parents ni Sarah bago nag-pandemic, walang signs na nag-reach out o nagkipag-ayos na ang newlyweds kina mommy Divine and daddy Delfin ni Sarah.
Or baka naman late na nakabati si Matteo o hindi lang nila nilagay sa social media.
Super close kay Sarah ang Daddy Delfin niya at talagang iniwan noon ang trabaho para masamahan ang anak sa mga lakad noong nag-uumpisa pa lang si Sarah sa kanyang career.
- Latest