^

PSN Showbiz

Rise music video nina Iñigo at Sam, para sa mga bagong bayani

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Rise music video nina Iñigo at Sam, para sa mga bagong bayani

Kinikilala ng bagong lunsad na Rise music video na pinangu­ngunahan ng Tarsier Records artists na sina Inigo Pascual at Sam Concepcion ang mga bayani ngayong 2020 na nagsisikap maghatid ng tulong para sa pagbangon ng mundo laban sa iba’t ibang sakuna at problema.

Bukod kina Inigo at Sam, tampok sa animated video na mala-comic book ang American R&B singer na si Eric Bellinger, Manila-based produ­cer Moophs, Malaysian artist Zee Avi, at ang Black Swan composer na si Vince Nantes, na may suot na superhero costumes habang nilalabanan ang iba’t ibang ‘2020 monsters.’

Inaaalay nila ang video sa mga bagong bayani tulad ng medical professionals, food industry labo­rers, couriers, media workers, advocates of gender equality, purveyors of press freedom, at iba pa.

May layunin ang music video na maghatid ng inspirasyon sa mga manonood na bumangon laban sa mga ‘villains’ tulad ng climate change, racial, gender, at social inequality, kawalan ng trabaho, kahirapan, at ang COVID-19 pandemic, na inilalarawan sa mala-buhay na animated scenes tampok ang iba’t ibang bansa.

Kaya naman pinuri ng mga netizen ang Rise para sa inspiring at napapanahong mensahe nito.

Ang universal track ang pinakamalaking proyekto ng Tarsier Records, isang collaboration na nagkaroon ng worldwide release dalawang linggo pa lang ang nakakaraan sa pagpapatuloy ng ABS-CBN na ipakilala ang talentong Pinoy sa buong mundo at magsilbing gateway din para sa international artists patungong Pilipinas.

vuukle comment

SAM CONCEPCION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with