^

PSN Showbiz

Online shows, tambak na

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Online shows, tambak na
Ivana
STAR/ File

Sa rami ng online shows, Facebook Live, vlog, at streaming sa social media, hindi kaya iyong iba magsawa na rin sa mga napapanood nila?

Sabagay sa rami ng kumpetensiya puwede na rin pinag-iisipan ng mabuti at mas pinagaganda iyon mga online show.

Kung nun siguro madali para sa lahat na basta lang maglagay ng show online, mag-vlog, ngayon inaayos na nilang mabuti. At dahil nga sa laki nang kinikita nila Alex Gonzaga at Ivana Alawi ang dami na rin mga artista ang sumunod na ewan ko kung kumikita rin ng malaki tulad ng dalawa.

Si Raffy Tulfo ang talagang balitang pinaka-malakas ang hatak sa mga manonood kaya naman ang laki ng followers niya.

Basta lagi kayong manood ng Take It... Per Minuter, Me Ganun! ha, para lagi kaming number one pagdating sa online showbiz talk show, hah hah hah.

Saka kami naman talaga ang nauna.

Mahuhusay na singer, malakas mang-impluwensiya ng emosyon

Totoo pala that sounds touches your heart. Na iyon hEARt, ang letter na napagitnaan ng H at T sa heart, ay EAR o tenga, so whatever you hear affects your emotion.

Sabi nga mas masakit ang salita kaysa physical, dahil talagang tumatagos sa puso mo ang salita.

Kaya nga mas matindi ang verbal abuse kesa physical, mas degrading iyon masasamang salita na naririnig mo, kesa sa pananakit sa katawan mo.

Kaya pala ‘pag may narinig kang kanta na malungkot, masaya, iyon ang nagiging mood mo for the day. Kaya pala we also consider singers superstar dahil nga nadarama natin thru their songs ang mga damdamin na stranger sa atin, a mellow melody will bring you to sleep, a sad song will bring tears in your eyes, a patriotic song will ignite the fire in your heart.

Kaya tingnan n’yo, never naapektuhan ng panahon ang career ng mga good singers like Martin Nievera, Marco Sison and Mark Bautista.

Talagang hanggang ngayon, heto sila dahil nga sa boses nila na nakapagbibigay ng sari-saring emosyon sa nakikinig.

Kaya ingat sa salita, mas masakit iyon kesa suntok.

vuukle comment

IVANA ALAWI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with