^

PSN Showbiz

Alex, tuloy ang pagbalik sa TV5

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Alex, tuloy ang pagbalik sa TV5
Alex Gonzaga

MANILA, Philippines — Kasama sa teaser na inilabas ng Brightlight Productions ni former Congressman Albee Benitez si Alex Gonzaga. Meaning, tuloy siya sa TV5 at kasama sa noontime show ng major blocktimer ng network.

Wow, parang nakakapanibago ang teaser dahil lahat Kapamilya star ang andun sa pangunguna nina Piolo Pascual, Maja Salvador, Billy Crawford, Ian Veneracion, among others.

Parang bongga ang pagpasok sa showbiz ni former Cong. Albee na daddy ng Kapamilya actor na si Javi Benitez na kasama ngayon sa seryeng Walang Hanggang Paalam ng Kapamilya Channel starring Angelica Panganiban, Arci Muñoz, Zanjoe Marudo, Jake Cuenca, and Paulo Avelino. Pero ang girlfriend niyang si Sue Ramirez ay kasama sa teleserye ng Brightlight.

Anyway, meron ding circle sa logo though malayo ang kulay sa ABS-CBN ang Brightlight pero alam mong produkto ng mga Kapamilya na mapapanood sa TV5.  Si Mr. Johnny Manahan ang magha-handle ng mga programa nila na officially retired na sa ABS-CBN bago pa ito nawalan ng prangkisa.

Pero wait, nakabayad na kaya kay Albee ang isang producer na co-producer niya sa isang pelikula?

Eleven million ang sinisingil ng Papa Albee sa nasabing movie production para sa partnership nila sa isang pelikula.

 

 

vuukle comment

ALEX GONZAGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with