^

PSN Showbiz

Mark,walang plano sa Pasko

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Mark,walang plano sa Pasko
Mark Bautista

Puring-puri ng Netflix ­viewers ang kababayan nating si Jonjon Briones na unang nakilala sa Ms. Saigon.          

Mahalaga ang role na ginampanan ni Jonjon sa bagong series sa Netflix na Ratched, na pinagbidahan ni Sarah Paulson bilang si Dr. Richard Hannover.

“I’m super proud,”  bulalas ni Mark Bautista nang tinanong ito sa kanya sa virtual mediacon ng All-Out Sundays noong nakaraang linggo.

Nagkakilala raw sina Mark at ng Fil-Am actor nang magkita sila sa isang gathe­ring sa London, noong nag-musical pa doon ang male ballader.

“Nakasama ko siya sa isang gathe­ring sa London,” pakli ni Mark. “Napaka-down to earth, and sa dami ng ginawa niya ngayon…hindi lang yan ang una eh. Meron pa siyang ginawa sa Versace na series nandun din siya. Pero ngayon mas malaki ang role, major yung role. Nakaka-proud actually. Talagang Pinoy na Pinoy na alam mo yun, mas nakilala siya.”

Kilalang-kilala na sa mga musical plays at pati sa movies and TV si Jonjon, pero ang nakakatuwa raw sa kanya sabi ni Mark, hindi raw talaga ito nagbago. Nandun pa rin daw ang magandang ugaling Pinoy. “Soft spoken, napaka-humble na hindi mo iisiping sa sobrang galing niya, na grabe ang achievements niya na alam mo…napakabait na tao. Ang maganda pa sa kanya, hindi siya nakakalimot kung saan siya nanggaling. Talagang proud na proud siya na Pilipino siya,” dagdag niyang pahayag.

Ang mag-perform sa entablado ang isa sa gusto sanang balikan ni Mark. Pero dahil sa pandemya, hindi na natuloy ang naudlot nilang musical na natigil noong nagsimula ang quarantine.

Na-miss din daw niyang mag-perform sa theater. “Nakaka-miss din kasi especially sa theater world na…live performance is really very important,” sabi pa ni Mark.

Samantala, dala na rin ng pan­demya ay ibang-iba na raw ngayon ang magiging Pasko ni Mark kasama ang pamilya.

Ngayong taon din kasi pumanaw ang ama niya at alam niyang ibang-iba ito sa mga nakaraan nilang Pasko na ginagawa nila sa probinsya. “Alam mo ‘yung hindi namin ma-celebrate ng maganda. Kasi normally, pumupunta kami ng probinsya eh.

“Kasi last year doon kami nag-ce­lebrate. Hindi na kami nagplano kung ano ang gagawin namin this Christmas,” seryosong pahayag ni Mark.

Rating ng All... tumaas ng konti 

Marami ang tumutok sa studio performance ng All-Out Sundays na Studio Home party na nga raw ito.

Special guests nga nila ang grupong BuDaKhel na sina Bugoy Drilon, Darryl Ong at Michael Pangilinan pero sa last part na ito napanood kasama sina Christian Bautista, Mark Bautista, Garret Bolden at Jeremiah Tiangco.

Hindi nga lang sila na-interview at nabigyan ng magandang intro. Pero tumaas naman ang AOS noong Linggo na naka-5.9 percent  mula sa 5.3 percent nila noong nakaraang September 20.

vuukle comment

MARK BAUTISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with