^

PSN Showbiz

Business ni Marian, hanggang probinsya na

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Business ni Marian, hanggang probinsya na
Marian

Balik-taping na ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera-Dantes para sa Tadhana at ang direktor niya ay ang asawang si Dingdong Dantes.

Dahil sa community quarantine, sa bahay lang nagsu-shoot ang mag-asawa. “Medyo nag-a-adjust pa rin sa mga trabaho dahil siyempre sanay tayo na lumalabas ng bahay ‘pag nagtatrabaho.

“Pero this time, dito sa loob ng bahay namin halos ginagawa lahat ng trabaho,” ayon kay Marian sa interview ng 24 Oras.

Kuwento naman ni Dingdong, humahanga siya sa husay ng asawa, “Ang saya. E, ikaw (Ma­rian) ba naman lagi nakikita ko sa harap ng lente ko. Very prepared parati. Very professional. Higit sa lahat, mahusay talaga.”

Nauna nang umatras si Marian sa First Yaya with Gabby Concepcion dahil takot pa rin siyang lumabas. Aminado siyang hindi siya puwede sa lock-in taping na new normal set up ngayon sa mga taping ng teleserye.

Wala pang ina-announce ang GMA 7 kung itutuloy pa rin ang First Yaya with a new ­leading lady or tuluyan na itong ika-cancel.

Banggit pa ni Marian sa last interview namin sa kanya, na aware na aware na ang anak nilang si Zia sa health crisis na pinag­daraanan ng buong mundo na kailangang nasa bahay lang sila para maging safe.

Kaya ito na raw ang nagre-remind sa kanila na kailangan nilang mag-stay sa bahay dahil may virus. Everytime nga raw na lalabas particularly si Dingdong pag may kailangan itong ayusin outside the house “Sinasabi niya kay Dong, ‘Dad, don’t go out. There’s a virus outside,” pagsi-share ni Marian.

Minsan nga raw pag may joke siyang lalabas ng bahay sasabihin ni Zia : “‘No Mama, don’t, no.’”

Samantala, palaki nang palaki ang negos­yo ni Marian na bulaklak.

Nagkaroon siya ng announcement na magde-deliver na rin siya outside Metro Manila. “We hear you! We’ve been getting a lot of requests about this and now we’re happy to share the good news that we now deliver outside Metro Manila!”

Bukod sa dried flowers, may vase na rin siyang binebenta na made of mango tree.

Former beauty queen/actress nagkaroon ng COVID scare

Nagkaroon pala ng covid scare ang isang former beauty queen-actress.

Ito ay matapos mag-positive ang tatlo sa members ng kanilang family matapos ang kanilang family reunion.

Pero ok na raw ngayon.

Recovered na ang dalawa sa tatlong member ng kanilang family kaya nakakalabas na uli si former beauty queen / actress.

vuukle comment

MARIAN RIVERA-DANTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with