^

PSN Showbiz

Bahay ni Bea may back story ang mga artwork, Erich mahilig sa sofa

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Bahay ni Bea may back story ang mga artwork, Erich mahilig sa sofa
Bea

Naka-display pa rin sa bahay ni Bea Alonzo ang gift ng ex boyfriend niyang si Zanjoe Marudo na gawa ng painter turned sculptor na si Michael Cacnio na pinakita niya nang i-tour ang followers sa kanyang YouTube channel. Say ni Bea: “Sobrang gustung-gusto ko ito. This was gifted to me by Zanjoe. Siyempre, when we broke up, I was wondering kung dapat bang tinatanggal ‘yung mga bagay na meron ka from your ex. But I just really find it so beautiful and it reminds me of our good memories. I thought, why not keep it? So I kept it. It’s really nice.”

Si Zanjoe lang ang nabanggit niyang ex sa nasabing vlog niya.

Pero in all fairness kay Bea, bilib sa kanya ang followers dahil lahat ng mga artwork / pain­ting na pinakita niya ay may back story. Pati nga sungkaan, ang ganda.

Super organized din siya. Ang linis ng kitchen at maging dirty kitchen niya. Lahat din may mga label. “I love orga­nizing stuff even here in the kitchen because parang feeling ko, mas madaling gumalaw kung everything is organized. I also love putting labels sa food ha. Hindi sa ibang bagay,” sabi niya sabay dialogue ng na parang may himig na patungkol sa relationship dahil dinagdagan niya ng “Pero mga bagets, kailangan may label.”

Eight years na raw siyang nakatira dun na sabi niya ay “it looks so different from how it looked like back when we just built it. It evolved, just like myself. I am thrilled that I’ll be able to share it with you, finally.”

Pero teka ano nga bang label nila ni Dominique Roque?

Walang sinasabi si Bea kung ano ba sila though nakikita silang magkasama.

Siyanga pala, magkaiba ang concept ng bahay nina Bea and Erich Gonzales. Hilig ni Erich ang mga couch o mga sofa.

Parang ang hilig niyang mag-rest.

Wala masyadong art pieces sa bahay ni Erich. Unlike kay Bea na talagang makikitang pati sa mga collection niya ng libro ay nagbabasa siya.

Anyway, hinihintay kung mapapanood na rin ba sa TV5 si Bea. Hinahanapan na nga raw ng kapalit si Bea sa teleserye nila ni Richard Gutierrez na Kahit Minsan Lang na nakatakda sanang ipalabas sa Kapamilya Channel ng ABS-CBN matapos itong mag-back out

Ang rason daw na ibinigay ng Kapamilya actress, ayaw niyang mag-lock-in sa taping.

Pero ang chika rin naman, nakatakda silang magbakasyon ng naba­balitang boyfriend niyang si Dominique Roque sa isang isla na pinupuntahan ng mga sikat at maya­yaman na ewan kung natuloy.

vuukle comment

BEA ALONZO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with