^

PSN Showbiz

Alex hindi tuloy sa noontime show ng TV5!

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
Alex hindi tuloy sa noontime show ng TV5!
Alex

So, hindi nga kasama si Alex Gonzaga sa mga magho-host sa new noontime show ng TV5, ang Laugh Out Loud.

So, tama nga ang tsika ng isang malapit kay Alex at sa ate niyang si Toni Gonzaga na hindi basta lilipat sa ibang TV network ang magkapatid.

Asahan daw na hindi basta iiwan nina Alex at Toni ang ABS-CBN.

Not that soon daw! ‘Yun ang tsika at sana totoo nga!

Bea, hinahanapan ng kapalit sa serye ni Richard

Ang pagre-resume sana ng Kahit Minsan Lang, ang teleserye ng ABS-CBN na pagbibidahan sana nina Richard Gutierrez, Bea Alonzo at iba pa ang dahilan kung bakit nagbalik na ng bansa si Isabelle Daza (mula sa Hong Kong kung saan based ang mister niyang si Adrien Semblat na top executive ng isang brand).

Pero dahil sa pagba-back out ni Bea sa nasabing teleserye, hindi muna sila makakapag-resume ng ta­ping ng Kahit Minsan Lang.

Bale under negotiation pa kasi sa artistang papalit kay Bea sa nasabing teleserye (yes, tuloy pa rin daw ‘yon).

So, si Isabelle, nag-guest na muna noong Saturday sa Bawal Judgmental segment ng Eat Bulaga kung saan ay ilang taon din siyang naging co-host.

Marami pa raw ibang work na tatanggapin si Isabelle habang hindi pa nakakapagsimula uli ng taping ang Kahit Minsan Lang.

Ian at Dimples, naka-lock in na

Ang bongga lang ng TV5, Ateng Salve, huh!

‘Yung sitcom pala nina Ian Veneracion at Dimples Romana ay tuloy na tuloy na.

Tama ba na naka-lock-in na sila?

Kasama rin daw sa sitcom na ‘yon ang ating first Miss Universe (1969) na si Ms. Gloria Diaz.

Wow, ang bongga lang, huh! Work pa more si Ms. Gloria, huh!

Eh, hindi nga ba katatapos din lang niyang mag-lock-in shooting sa Pampanga ng Mommy Issues ng Regal Entertainment Inc.

Pero siyempre, maingat si Ms. Gloria dahil nga sa COVID-19 pandemic. Talagang sumusunod daw ang Miss Universe 1969 sa lahat ng health and safety protocols na pinatutupad ng production.

‘Yun naman talaga ang dapat at tama ngayong pandemic (at kahit matapos pa ito) para siguradong safe na safe, huh!

Agree, Ateng Salve?! ‘Yun na!

vuukle comment

ALEX GONZAGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with