^

PSN Showbiz

James, nahirapang sumagot sa paboritong gulay

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
James, nahirapang sumagot sa paboritong gulay
James

Mestisong Pinoy ang look ni James Reid nang humarap siya sa isang event ng Department of Agriculture, ang PAG-AHON Project o Sa Palay at Gulay, May Ani, Hanapbuhay, Oportunidad at Nutrisyon na ginanap sa Lupao, Nueva Ecija kahapon ng umaga.

Nung nakaraang May pa inilunsad si James ng Department Agriculture - Secretary William Dar bilang Food Security Ambassador.

Isa ito sa activities ng naturang ahensya na kaila-ngang daluhan ng actor/singer para ma-promote ang food security ng bansa.

Naniniwala silang kailangan ang boses ng kabataan kagaya ni James para i-endorse ang main advocacies ng Department of Agriculture lalo na sa campaign nila on sustained food security, feed accessibility and affordability at kasama siya sa pag-encourage sa mga kabataan na bigyang halaga ang malaking naitulong sa ating bansa ng mga magsasaka at mangingisda.

Nagbigay siya ng pahayag sa harap ng mga magsasaka, at nang humarap siya sa media, tinanong siya kung ano ang paborito niyang gulay na kinakain. Matagal bago nakasagot si James ng kangkong na kinakain daw niya sa sinigang.

Sinamahan si James kahapon ng kanyang ama na tumatayo na rin niyang manager.

Kris nagkaroon ng depression nang mawalan ng kontrata sa GMA 7

Hanggang ngayon ay hinihintay ni Kris Bernal ang pasabi sa kanya ng GMA 7 kung iri-renew ba ang kontrata niya o hindi.

Noong end of March pa pala nag-expire ang kontrata niya pero wala pa raw pasabi sa kanya ang GMA 7 kung iri-renew ba ang kontrata niya o hindi.

Iba raw kasi kapag under contract ka sa isang network dahil nabibigyan ka ng maraming trabaho.

Sa ngayon ay mga guesting pa lang daw muna siya, at pinapayagan naman daw siyang umapir sa ibang network kagaya nung nag-guest siya sa Chika Besh ng TV 5.

Pero nang nalaman nga raw niyang wala pang balak ang GMA 7 na i-renew siya, nagkaroon daw siya ng anxiety at na-depress din daw siya dahil hindi raw niya alam kung saan patutungo ang kanyang showbiz career. “Dumaan din talaga ako sa depression. Nagkaroon ako ng anxiety, lalo na nung malaman ko na wala na akong contract.

“Siyempre, hindi ko na pinakita sa social media ‘yun ano,” pakli ni Kris nang nakapanayam namin sa radio program namin sa DZRH noong nakaraang Martes ng gabi.

“May kaba ako kasi ang daming bago ngayon. Ang bilis-bilis nilang sumikat. Ang iba, ang daming followers. Ang iba ang taas sa social media na kailangan kong trabahuin kasi, ako TV actress pero kailangan ko pang i-workout ang social media ko,” sabi pa niya.

Lalo nang nagsara ang ABS-CBN 2, naiisip din daw niyang baka mas bibigyan pa ng project ang galing ng Kapamilya network, kesa sa kanya na 13 years na rin naman siyang Kapuso. “May mga insecurities din ako. Saka yun nga, nasa point ako na parang sino ang may gusto sa akin? May sumusuporta pa ba sa akin? May questions din ako na hindi kaya ayaw na ako ng network ko? May ganun. Hindi kaya hindi na nila ako bibigyan ng show kaya wala na akong contract? May mga ganun na akong questions in mind,” sabi pa ni Kris.

Kaya nagtataka pa raw siya sa ibang netizens na sinasabihan siyang walang utang na loob gayung never naman daw siyang umalis ng GMA 7. “May ibang naba-bash pa ako na wala raw akong utang na loob. Agad walang utang na loob? Kung may choice ako to stay, talagang I will stay with my network. Ang tanong, gusto pa ba nila ako? Siguro tao lang din ako na may feelings lang din ako,” buong katapatang pahayag ni Kris.

Medyo okay na rin naman daw siya ngayon. Pero pumapasok pa rin daw ang lungkot minsan at naghahanap pa siya ng bagong manager.

Hindi pa raw niya alam kung ano ang magiging direction ng showbiz career niya.

Ang isa pang nakakadagdag ng lungkot sa kanya ay bihira raw silang magkita ng fiancé niyang si Perry Choi.

Dahil sa pandemya, hindi raw gaanong lumalabas si Perry at hindi pa raw sila puwedeng magyakap o maghawakan man lang dahil sa kailangan may physical distancing.

Nag-iingat daw talaga silang ‘di magkahawaan ng COVID-19 kaya pina-practice talaga nila ang social distancing.

vuukle comment

JAMES REID

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with