^

PSN Showbiz

Male personality na sobra ang kayabangan noon, ang daming iniindang sakit ngayon

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Alagaan at pagyamanin na sana talaga ng isang kilalang male personality ang pangalawang pagkakataong bumuti ang kanyang sitwasyon. Sayang na sayang kapag pinabayaan niya pa ang biyayang dumating sa kanyang buhay.

Mula sa pagkakaroon ay nawasak ang kanyang kabuhayan, mula sa pagiging aktibo sa pag-arte ay naging mailap sa kanya ang mga proyekto, bumagsak nang sayad na sayad ang kanyang karera.

Sabi ng isang source, “Wala namang puwedeng sisihin sa nangyari sa kanya kundi ang sarili lang niya. Naging pabaya siya, kung makagastos siya nu’n, e, parang wala nang bukas pa.

“Ang akala niya, e, wala nang katapusan ang mga opportunities na tinatanggap niya, naging palalo siya, pinasok ng hangin ang ulo niya!

“At hinaluan pa niya ng bisyo ang career niya, kaya ayun, maraming artistang ayaw nang makipagtrabaho sa kanya, lalo na ang mga kababaihan, dahil binabastos niya!

“Wala na rin siyang pakikisama sa mga production people, ang gusto niya ang kailangang masunod, kinokontra niya pati ang scriptwriter!

“Marami siyang inaaway, lumaki talaga ang ulo niya, kaya siya nagkaganyan!” napakadiing unang sultada ng aming impormante.

Ngayon na lang naglalabasan ang mga hindi kagandahang karanasang inabot sa kanya ng mga personalidad. Mapag-trip ang male personality na ito.

Patuloy ng aming source, “Meron silang eksena ng isang male personality na guwapo at maganda ang katawan. Suntukan ang eksena, kaya natural lang na bago sila sumalang sa harap ng mga camera, e, kailangan nilang ensayuhin ang routine.

“Malinaw ang inensayo nila, sa kaliwa siya magpapakawala ng suntok, hindi niya patatamaan ang kaeksena niya, pero binaligtad niya ang routine.

“Nakaabang na ang kaeksena niya sa suntok sa kaliwa, pero binigyan niya sa kanan ang guwapong aktor, kaya natural, nasapul ang pobreng kaeksena niya!

“Napuruhan ang male personality, pero hindi naman makapagreklamo at makalaban sa kanya, kasi nga, e, siya ang bumibida sa eksena! Nu’ng tanungin siya ng routine director kung bakit niya iniba ang inensayo nilang routine, e, napakahambog pa siyang sumagot!

“Ang dahilan niya, ‘E, guwapong masyado ang kasuntukan ko, e! Kailangang mabawasan ang kaguwapuhan niya, kaya binigyan ko siya ng isa!’ Napakayabang niya!

“Ngayon, e, hindi na niya magagawang mag-trip, wala na siyang project, saka hindi na siya makakasuntok, marami na siyang iniindang sakit! ‘Yun ang napala niya sa kahambugan niya!” napapailing na pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Alden sunud-sunod ang premyo

Pinakamasuwerteng personalidad sa balat ng showbiz ngayon si Alden Richards. Sa panahon ng pandemya na trabaho ang hinahanap ng kanyang mga kapwa artista ay siya ang nilalapitan ng suwerte.

Habang inip na inip na at nabuburyong ang maraming personalidad sa kawalan ng trabaho ay heto naman ang Pambansang Bae, halos wala nang pahinga, dahil sa kaliwa’t kanang oportunidad na dumarating sa kanya.

May ginagawa siyang serye, may musical show, may araw-araw na hosting sa Eat… Bulaga at siya ang paboritong kuning tagapag-endorso ng mga proyekto ng gobyerno.

Idagdag pa ang mga ginagawa niyang TVC, tapos na ang iba at ipalalabas pa lang ang mas marami pa, napakabukod na pinagpalang artista nga naman ni Alden Richards.

Hindi dumating sa guwapong aktor ang tagumpay na ito nang magdamagan lang. Mahabang panahon ang kanyang hinintay. Magsasampung taon na si Alden sa mahal niyang propesyon.

Markado ang pahayag ng kaibigan naming propesor, “Lahat ng magagandang nangyayari kay Alden ngayon, e, matagal nang para sa kanya. Nakasalansan na ang mga oportunidad na ito para sa kanya talaga.

“Walang aksidente, kapalaran ang nagbibigay sa kanya ng lahat, dahil maganda ang puso niya. Marunong siyang rumespeto at makisama sa mga co-stars niya, wala siyang kayabang-yabang, marunong siyang lumingon sa pinagmulan niya.

“Napakabuti niyang anak, kapatid at apo, bakit pa natin kukuwestiyunin ang magagandang nagaganap sa buhay at career niya ngayon? Premyo ‘yan ni Alden Richards sa kabutihan ng puso niya.

“Matagal nang nakabalot ang mga regalo para sa kanya ng kapalaran, ngayon lang iniabot sa kanya,” makabuluhang opinyon ni prop.

At nang tanggapin ni Alden Richards ang mga premyo sa kanyang kabutihan ay nagkasabay-sabay, halos wala na siyang paglagyan, punumpuno na ang kanyang kaban.

vuukle comment

ALDEN

MALE PERSONALITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with