^

PSN Showbiz

Kampo ni Julia sumagot sa isyung buntis: ‘Definitely not true’ ‘fake news’

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Kampo ni Julia sumagot sa isyung buntis: �Definitely not true� �fake news�
Julia Barretto at Gerald Anderson

Parang wala naman talaga sa hitsura ni Julia Barretto na preggy siya.

Sa mga post niya, flat na flat ang tummy ng Kapamilya actress para sabihin na may laman itong baby.

Eh kasi parang sure na sure ang former broadcaster na si Jay Sonza na preggy si Julia sa kanyang social media post kahapon. As if meron sa kanyang nag-confirm.

Bahagi ng post ng dating broadcaster na pulos critical ang mga post lately na :

“Dito muna tayo sa mga balitang may katotohanan, may pag-iibigan, may pinagsaluhang nakakapanginig ng laman at higit sa lahat, nagbunga.

“Napatunayan nina Visoy (visayan tisoy) Gerald Anderson at anak nina Dennis Padilla at Marjorie na si Julia Barretto na kapuwa hindi sila baog.

“After months of love lockdown and ESQ (exact sex quadrant) - may nabuo sa sinapupunan ni Julia,” sabi niya pa sa post.

Pero mabilis din ang sagot ng management group ni Julia na Star Magic na “Definitely not true.”

Sumagot din actually si Julia ng “Fake News” with matching photo na naka-focus sa kanyang tummy sa kanyang IG account.

Nauna nang pinagdugtung-dugtong ng netizens ang isang upload sa YouTube kung saan may isang long hair na girl sa resort ni Gerald sa Zambales kung saan nasa Zambales ang actor base sa kanyang mga post. Si Julia diumano ang nasabing girl na may mahabang buhok.

Actually, hindi naman ito ang unang kuwento na diumano’y hindi naman talaga naghiwalay sina Gerald and Julia ayon sa isang may alam ng chika.

In fact, dumadalaw nga rin daw si Gerald sa bagong bahay ni Julia nitong lockdown ayon sa isang reliable source.

Pero ‘yung preggy ang anak ni Marjorie Barretto parang ibang isyu naman yata ‘yun.

Magsalita kaya rito ang nanay ni Julia na si Marjorie na siyempre ay protektado ang anak na actress at hindi papayag na basta na lang itsismis na preggy kung hindi naman totoo.

Anyway, kasama si Julia sa may bagong programa sa ABS-CBN kahit wala sila sa free TV habang katatapos lang ni Gerald sa A Soldier’s Heart kung saan namatay ang character niya at nagpalagay pa sa casket.

Pero ang isang sinasabing preggy sa kasalukuyan ay si Janella Salvador na isa sa mga bestfriend ni Julia.

Ang Brit-Pinoy Kapamilya singer/actor naman ang boyfriend ni Janella, na si Markus Paterson. Kasalukuyan silang nasa London base sa mga post nila.

Anyway, dahil sinabi na ng Star Magic na hindi preggy si Julia, puwede kayang kasuhan o mag-demand ng retraction ang kampo nina Julia and Gerald sa broadcaster sa pagpo-post ng kuwentong parang sure na sure?

 

vuukle comment

JULIA BARRETTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with