^

PSN Showbiz

Jessy at Luis, maraming hindi napagkakasunduan

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Jessy at Luis, maraming hindi napagkakasunduan
Jessy at Luis

Hindi naging hadlang ang pagpapatupad ng community quarantine sa relasyon nina Jessy Mendiola at Luis Manzano.

Gumagawa ng paraan ang magkasintahan upang manatiling maayos ang takbo ng relasyon kahit na patuloy na humaharap sa krisis na dulot ng covid-19 pandemic. “Okay naman kami. No’ng nag-ECQ, nag-stay ako sa place ko. Tapos siya nag-stay siya sa bahay niya. Tapos no’ng GCQ,  nagkikita na rin kami. Tapos no’ng nag-MECQ, hindi na naman kami nagkita. Tapos ngayon lang kami nagkikita no’ng nag-GCQ na uli. Minsan kahit pa nasa sariling bahay niya siya, tapos ako nasa place ko, talagang nag-a-update-an kami kapag nag-workout na ba ‘yung isa, nakatapos na ba ng workout,” pagbabahagi ni Jessy.

Mahigit apat na taon nang magka­sintahan sina Luis at Jessy ngayon. Katulad ng ibang magkarelasyon ay nagkakaroon din ng hindi pagkakaunawaan ang dalawa. “Kasi normal naman ‘yan sa relationship. Lahat naman ng relationships may pinagdadaanang ganyan. Minsan mayroon kayong hindi pagkakaintindihan. Or minsan ‘yung pagkakaiba n’yo as individuals, nagka-clash. Ma­rami kaming gano’n, siyempre hindi naman namin pwedeng sabihin na hindi, wala kaming away, perfect relationship namin. Of course not,” pagtatapat ng dalaga.

Kapag nagkakaroon ng tampuhan sina Jessy at Luis ay agad naman daw nila itong pinag-uusapan at hindi matutulog hanggang hindi naaayos ang gusot sa pagitan nila. “Marami kaming beses na hindi masaya, hindi laging magaan ang relasyon, marami talagang pagdadaanan. Pero we always make sure na at the end of the day, maaayos namin ‘yon bago kami matulog,” kuwento ng aktres.

Angelica, happy sa pagiging daddy ni Carlo

Kamakailan ay ipinakilala ni Carlo Aquino sa netizens ang kanyang anak na si Enola Mithi. Ang sanggol ay anak ng aktor sa kasintahan na si Trina Candaza. Nagbigay naman ng reaksyon ang dating kasintahan ni Carlo na si Angelica Panganiban tungkol sa pagkakaroon na ng sariling pamilya ng aktor. “I’m sure masayang-masaya siya. Masayang-masaya sila and ‘yon naman dapat, di ba? Importante ‘yung happiness ng mga tao, so good, congratulations,” mensahe ni Angelica sa aktor.

Samantala, sa Lunes ay mapapanood na sa Kapamilya Channel ang Walang Hanggang Paalam na bagong teleserye ng aktres. Makakasama ni Angelica sa bagong proyekto sina Paulo Avelino, Arci Muñoz at Zanjoe Marudo.

Ayon sa dalaga ay talagang mahirap magtrabaho ngayon dahil sa kinakaharap nating pandemya. “Mahirap magtrabaho sa ganitong situation. But at the same time ang dami mo matututunan. Mahirap na trabaho, pero ‘pag natatapos mo naman, ang sarap-sarap sa pakiramdam,” paglalahad ng aktres.  (Reports from JCC)  

vuukle comment

JESSY MENDIOLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with