^

PSN Showbiz

Aktor windang na naman ang buhay, naghihintay lapitan ng trabaho

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Totoo namang nakapanghihinayang ang isang kilalang male personality na mukhang naliligaw na naman ng landas ngayon. Akala pa naman ng mga kababayan natin ay magpapakadiretso na siya pagkatapos niyang masangkot sa isang kontrobersiya.

Pero naayos na ‘yun, kinailangan lang niyang pagbayaran ang kanyang ginawa, nagpakita naman siya ng pagbabago nitong mga huling panahon.

Pero nitong mga huling buwan ay palagi na naman siyang laman ng mga balita, bukod sa magulong takbo ng kanyang pamilya ay balitang problemado pa siya sa pampinansiyal na aspeto, nasaan ang kanyang kinita sa mga panahong sunud-sunod ang mga proyekto niya?

Kuwento ng isang nagmamalasakit na impormante, “Hindi siya dapat umabot sa point na wala na siyang pera. Marami siyang ginawang projects nu’n, hindi naman barya-barya lang ang talent fee niya.

“Meron din siyang bahay, hindi niya kailangang makitira sa bahay ng mga kaibigan niya, nand’yan din ang mother niya na puwede niyang takbuhan anumang oras.

“Nakakapanghinayang naman siya, napakahusay niyang aktor, sayang na sayang ang talent niya,” unang sultada ng aming source.

Madalas makita ngayon ang kilalang male personality sa isang hindi kalayuang probinsiya kasama ang kanyang mga katropa. Okey naman ang kanyang itsura pero nadagdagan ang kanyang timbang kaya parang tumanda siya.

Dagdag na kuwento ng aming source, “Kulang kasi siya sa diskarte. Lumaki kasi siyang spoiled. Hindi siya nakaranas ng hirap na tulad ng ibang artista.

“Bukod sa sunod na ang layaw niya sa parents niya, e, maaga pa siyang nakahawak ng sariling pera sa pag-aartista niya. So, parang balewala lang sa kanya ang lahat.

“Kung talagang gusto niyang magtrabaho, e, marami siyang puwedeng gawin. Hindi hirap ang director sa kanya, maga­ling siyang umarte. Medyo naapektuhan lang ang memorization niya, pero kinakaya pa rin naman niyang itawid ang mga dialogues niya!

“Kailangan niyang gumalaw, hindi siya hahanapin ng trabaho, siya dapat ang maghanap ng pagkakakitaan niya. Kapag ganyan siya ng ganyan, e, wala talagang mangyayari sa kanya.

Mark my word,” madiin pang pagtatapos ng ­aming impormante.

Take It... maraming maiinit na pag-uusapan

Martes ngayon, araw ng Take It, Per Minute… Me Gano’n, makalalabas na naman kami sa lungga ni Manay Lolit Solis. Lagalag si Mr. Fu, palalabas ang aming kasama, kaya kami lang talaga ni Manay Lolit ang isandaang porsiyentong sumusunod sa mga health protocol.

Kung si Manay Lolit ay palaging nakatutok sa mga sinusundan niyang Korean novela, kami naman ay mahilig sa pag-aayos-paglilinis ng bahay, pagkatapos magtrabaho ay nakatutok na rin kami sa CNN, HGTV, Animal Planet at panonood ng concert ng mga paborito naming banyagang musikero.

Ang pulitika ng tao at mga hayup ay iisa lang. Survival. Kalam ng bituka. Nakikipaglaban sila dahil sa tawag ng kagutuman. Matira ang matibay.

Pinakamatangkad na hayup ang giraffe. Sa haba ng kanilang leeg ay tanaw nila ang buong kagubatan pati ang nakaambang pagdating ng kanilang mga kalaban.

Pero may malaki rin silang problema. Hirap silang uminom dahil sa mahahaba nilang paa na kailangan nilang itiklop para makadukwang sila.

Hindi sila puwedeng yumuko nang matagal, ‘yun ang sinasamantala ng kanilang mga kalaban, kaya habang umiinom sila ay palinga-linga ang mga giraffe bilang paghahanda sa paglusob ng mga leon na patagu-tago lang at naghahanap ng tiyempo sa talahiban.

Kung ang mga hayup ay maraming natututuhan sa tao ay marami rin tayong leksiyon na mapupulot sa mga hayup.

Siguradong tatalakayin namin ngayong tanghali sa Take It, Per Minute… Me Gano’n ang lantarang pagdedenay ni KC Concepcion sa napapabalitang relasyon nila ni Apl de Ap.

Kumusta naman ang pang-iinis ni Gretchen Barretto kay Julia, kagatin kaya ni Marjorie Barretto ang hamon ng kanyang ate, magkaroon na naman kaya ng bagong pagpipistahang isyu ang bayan tungkol sa magkapatid?

Nagdadalantao nga ba si Janella Salvador kaya sumama sa kanyang boyfriend na si Markus Paterson sa UK? Bigyang-pansin kaya ni Daniel Padilla ang tampo ng kanyang tiyahing si Rustom Padilla a.k.a. BB Gandang­hari?

Ilang blind items kaya ang ibabato ngayong tanghali ni Mr. Fu! Pangalanan kaya ni Manay Lolit ang aming pitik-bulag?

Mababawasan uli ang lungkot ng mga kababayan natin sa iba-ibang bansa. Pildoras sa pagkaburyong ang tawag nila sa nakaaaliw, nakanenerbiyos at nakakaadik na panooring TIPMMG.

Kaya kitakits tayo ngayong alas dose nang tanghali, tutok na agad sa Facebook page ng Pilipino Star Ngayon at La­testChika.com, masayang panonood!

vuukle comment

WORK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with