^

PSN Showbiz

Piolo ayaw makisawsaw sa pulitika marian nawawalan ng gatas pag nai-stress

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Piolo ayaw makisawsaw sa pulitika marian nawawalan ng gatas pag nai-stress
Piolo

Bilang paggunita ng pagdeklara ng Martial Law na 48 na taon nang lumipas, ginanap noong Linggo ang isang online ng Aktor at Dakila na pinamagatang Ganito Kami Noon, Ganito Pa Rin Ba Kami Ngayon? Pelikula. Paniniil. Pagpalag.

Nakibahagi sina Direk Joel Lamangan, Ricky Lee, at Lualhati Bautista na may kanya-kanyang karanasan nang ipinatupad ang Batas Militar sa bansa.       

May partisipasyon din sina Cong. Vilma Santos, Glaiza de Castro at Piolo Pascual na hiningan ng salaysay sa karanasan nila sa paggawa ng matatapang na pelikula na nakakapagbukas ng isipan at diwa ng mga tao.

Tinanong ni Lourd de Veyra na host sa naturang forum si Piolo kung paano binago ng mga pelikula niya ang political stance nito. Mahalaga ang role na ginampanan ni Piolo sa pelikulang Dekada 70 na kung saan ay nagwagi pa siya roon ng ilang ­acting awards.

“Politics has got nothing to do with my showbiz life. Given this platform in this showbiz field,  I’m using it to be positive. Kung anuman ang stand ko sa politics, hindi kasi ako pulitikong tao eh. Hindi ako ‘yung tipong magsasalita about my stand as celebrity.

“Siguro, iibahin ko ‘yun, hindi ko gagamitin ang platform ko sa showbiz para gamitin sa pulitika, kasi iba naman ‘yung pagi­ging artista mo eh.

“Gagamitin ko ang boses ko sa tamang  panahon at tamang pagkakataon,” pahayag ni Piolo.

May mga ilang kilalang artista na hindi talaga sumasali sa pakikipagbalitaktakan sa mga isyu sa lipunan. Nandiyan lang sila, nakikinig pero hindi na sumasali dahil mahirap na raw makisali kung wala ka namang sapat na alam. 

Iyan din ang pananaw ni Marian Rivera na mas pinili niyang mag-post na lang ng nakaka-good vibes na post kesa sa makialam sa mga isyung pulitikal. Hinahayaan na lang niya ang asawang si Dingdong Dantes ang nakikisali minsan, pero siya ay mas mabuting manahimik na lang daw.

Sabi nga niya noong nakatsikahan namin kama­kailan; “Hindi ako masyadong nakiki-involve din kasi una sa lahat ayoko talagang maki-involve kung wala naman akong alam. Ayokong maki-involve na magugulo lang yung buhay ko.

“Hindi lang ako nagsasalita, pero alam ko naman ang nalalaman ko at kung ano ang posisyon ko sa buhay. Mas maganda siguro umiwas na lang sa bagay na hindi naman makakatulong sa buhay ko. Madami pa akong iniintindi, ang dalawang anak ko, nagpapasuso pa ako.  Baka ma-stress pa ako, wala pang lumabas na gatas.”

Nanibago si Sen. Bong Revilla Jr. sa hosting nang sumalang siya sa kanyang pa-birthday na Kaps Ama­zing 1500 Gadget Give­away na sinimulan niya noong nakaraang Linggo. Ito ang selebrasyon ng senador ng kanyang kaarawan sa September 25.

Noong Linggo ay mahigit 400 tablet na ang naipa-raffle at namigay pa siya ng cellphones sa kanyang pa-trivia. “Ang hirap pala!” bulalas niya nang nakatsikahan namin kahapon.

Sen. Bong nanibago sa pagho-host

Nanibago raw siya sa tuluy-tuloy na hosting na walang pahinga, pero sulit naman daw. Bilang suporta na rin ito ni Sen. Bong sa blended learning ng mga kabataan na magsisimula na sa October 5.

Tinanong namin kung gusto ba niyang ituluy-tuloy na ito hanggang December. Napaisip si Sen. Bong, pero puwede naman daw dahil nakikita naman niya ang suporta ng kanyang mga kaibigan para may maipamigay pa sa mga taong sumusubaybay sa kanya.

Nagsimula lang daw itong pamimigay niya ng gadget sa 300 na pirasong tablet, pero noong Linggo ay umabot na ng 1,600 dahil sa rami ng mga gustong mag-sponsor.

Kagabi ay muling nagpa-raffle si Sen. Bong, hanggang ngayong araw ito, pero parami nang parami pa ang mga gustong magbigay kaya malay natin baka ituluy-tuloy na ito ni Sen. Bong at hindi na niya mamalayan, isa na siyang game show host.

Bukod sa mga estudyante, ay mamimigay din si Sen. Bong ng gadget at iba pang tulong sa mga teachers na talagang nangangailangan din.

Hindi man puwedeng magpa-party naisip naman ni Sen. Bong na ganito ang paraan ng pagdiriwang ng kanyang kaarawan.

vuukle comment

PIOLO PASCUAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with