^

PSN Showbiz

Controversial personality, inaaway ang mga sumasaway

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Anumang panliligaw ang gawin ng isang kontrobersiyal na dating male personality sa komento ng buong bayan na kalungkutan ang dahilan ng mga pinaggagagawa niyang alingasngas ngayon ay wala na siyang maitatago.

Kahit pa ipinangangalandakan niyang masaya siya ngayon sa kanyang estado sa ibang bansa ay wala siyang mapapaniwala. Ma­tinding lungkot at depresyon ang kakambal niya ngayon.

Kuwento ng aming source na hindi na iba sa dating male personality, “Paano niya nakakayang sabihin na masaya siya ngayon? Bakit hindi niya matanggap ang katotohanang tinalikuran na siya talaga ng pamilya niya?

“Bakit kailangan pa niyang sumbatan ang pamilya niya sa hindi pagtanggap sa kung ano na siya ngayon? Simple lang naman ‘yun, e! Okey lang na nag-out siya, wala nang magagawa ang pamilya niya, e, kung du’n talaga siya maligaya, e!

“Pero sana lang, e, manahimik na lang siya! Okey, girl na siya ngayon, natupad na ang pangarap niya, pero manahimik na lang sana talaga siya!

“Kaso, iba ang pinaggagagawa niya! Sino ba naman ang magiging proud sa mga kuwentong inilalabas niya ngayon?” naiinis na komento ng halos kamag-anak na ng dating male personality.

Isang kadugo ng nagpapakontrobersiyal na personalidad ang nagpayo sa kanya na umayos, tantanan na niya ang pagpapakita sa buong mundo ng kanyang mga kahalayan, pero inaway niya pa ang kanyang pinsan.

Dagdag na impormasyon ng aming impormante, “De primerang sumbatero ang baklang ‘yun! Instead na makinig siya sa payo sa kanya, e, inaryahan pa niya ng panunumbat ang pinsan niya!

“Kesyo kundi raw sa pamilya niya, e, hindi magiging maayos ang kabuha­yan ng pamilya ng pinsan niya, hinalungkat niya ang nakaraan talaga!

“Wala na siyang kakampi, masakit mang pakinggan at sabihin, e, dinidown na siya ng pamilya niya! Ni ayaw nga siyang mapag-usapan ng mga kapatid niya, e! Sino ba naman kasing kapatid niya ang matutuwa sa mga pinaggagagawa niya ngayon?

“Kaya huwag niyang sabihing masaya siya! Inaaway pa niya ang mga nagsasabing kalungkutan ang dahilan ng ipinagkakaganyan niya! Maligaya raw siya sa buhay niya ngayon!

“May taong maligaya ba na puro pang-aaway ang hinahanap? May tao bang happy na puro ilusyon ang pinagsasasabi? Pamilya pa rin ang pinakamahalaga, ‘yun ang itanim niya sa kukote niya!” talagang naiinis na pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Birthday celebration ni Sen. Bong noong 2009, hinding-hindi malilimutan

Hinding-hindi namin makakalimutan ang pagdiriwang ng kaarawan ni Senador Bong Revilla nu’ng taong 2009 sa White Space sa Makati.

Habang tumutugtog ang inimbitang banda para umaliw sa kanyang mga bisita ay mas malakas pa sa kanilang kanta ang buhos ng ulan. Bandang alas diyes nang gabi ay nagpaalam na kami dahil nagbabantang bumaha sa buong siyudad.

At totoo nga, ang bagyong Ondoy ang nagpalubog sa buong Rizal, Marikina, Quezon City at marami pang kalapit na lugar. Wala pang pahinga mula sa kanyang selebrasyon ay nakita na agad si Senador Bong na tumutulong sa mga binaha at lumubog na bayan.

Pagkatapos nang mahigit na isang dekada ng hindi malilimutang kaganapan ay birthday na uli ni Senador Bong sa September 25. Makabuluhan ang kanyang selebrasyon sa taong ito dahil nakaligtas siya sa isang paghamon na malapit nang mabuwis ang kanyang buhay.

Bilang pasasalamat ay siya ang maghahandog ng regalo, siya ang tutulong sa ating mga kababayan ngayong pandemya sa pamamagitan ng kanyang KAP’s Amazing Gadget, mamamahagi siya ng tablets sa mga estudyanteng karapat-dapat sa Luzon, Visayas at Mindanao.

‘Yun ang kapuri-puri sa aktor-pulitiko, alam niya ang ibig sabihin ng to pay back and to pay forward, sa matinding biyayang tinatanggap niya ngayon pati ng kanyang pamilya ay mula sa puso ang kanyang pagseserbisyo.

Hindi lang sa pakikipagsuntukan sa pelikula matindi ang kanyang kamao, bukas na bukas ang kanyang mga palad sa pagtulong, hindi siya boksingero (sarado ang kamao) kundi karatista.

Bago siya namahinga dahil sa corona virus ay ginamit niya ang pagkakataon para makatulong sa ating mga kababayang nawalan ng trabaho. Namahagi siya ng mga biyaya, nauna pa nga siyang namigay ng ayuda kung tutuusin kesa sa gobyerno, kaya meron mang mga namemersonal sa kanya ay mas matindi ang laki ng bilang ng mga kababayan nating nagmamahal sa kanya.

Ngayon pa lang ay nagtatawid na kami ng pagbati ng maligayang kaarawan sa isang taong mahal na mahal ng industriyang una niyang minahal.

Happy birthday, Senador Bong Revilla, mas marami pang biyaya para sa inyong pamilya, mas malakas na pangangatawan, at patuloy na tagumpay sa mundo ng pulitika.

vuukle comment

BONG REVILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with