^

PSN Showbiz

Angelica ‘di sumama sa mga dating katrabaho

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
Angelica �di sumama sa mga dating katrabaho
Angelica
STAR/ File

Alam mo, Ateng Salve, July pa lang ay may nakapagtsika na sa akin na lilipat daw sa TV5 ang Banana Sundae. Ang tsika nga ay pinagpaalam na raw sa isang top executive ng ABS-CBN ang title ng nasabing gag show, pero hindi nga raw pinayagan na gamitin ‘yon.

That month pa lang ay tinanong ko na si Direk Edgar Mortiz tungkol doon dahil ang tsika nga ng source ko, siya ang ka-deal ng TV5 blocktime producer na si Albee Benitez tungkol sa project na ‘yon.

Ang sabi nga rin, pati ‘yung Home Sweetie Home ay gagawin din sa TV5 at si Direk Bobot (paboritong tawag sa actor/director) din ang mamamahala.

That time, nakiusap si Direk Bobot na huwag ko na munang isulat dahil hindi pa naman sure na sure ‘yon.

Baka mabulilyaso pa, kaya better na quiet daw muna siya.

Anyway, kahapon, ay nagka-chat kami ni Direk Bobot via Viber at tinanong ko siya tungkol doon at inamin naman niya na Sunday Kada’ Kada Sunday, ang title ng kanilang gag show sa TV5.

“When ipapalabas? Puwede na kita i-quote?” tanong ko kay Direk Bobot.

“Wala pa, eh. Pero end of October daw kami. First taping pa lang kami ngayon dito sa Boracay. Yes, pwede na (nai-quote),” sabi ni Direk Bobot.

Karamihan ng cast ng Banana Sundae ay kasama sa kanilang gag show, kaya masaya rin, Ateng Salve, na may work pa rin ang ibang Kapamilya stars.

Sana lang nga ‘yung mga fan ng Kapamilya stars na kasama sa Sunday Kada’ Kada Sunday ay magsunuran sa kanila sa TV5 para maging bongga naman ang ratings ng nasabing gag show, huh!

Anyway, ang tsika naman ng isang TV5 insider, sa Novaliches studio raw ang regular taping ng nasabing gag show at special ang pilot episode nila kaya sa Boracay ang location
taping.

Oo nga pala, siguradong walang Angelica Panganiban sa gag show na ‘yon dahil sa September 28 na ang launch sa Kapamilya Channel ng Walang Hanggang Paalam nila ni Paulo Avelino.

May isang star din ng Banana Sundae na sinasabing kasama sa Sunday Kada’ Kada Sunday na imposible palang lumabas doon dahil may show rin na sisimulan sa ABS-CBN, huh! Well…

TV5, ibubunyag na ang mga nasungkit na Kapamilya stars

Sa September 24 nga pala ay magkakabukingan na kung sinu-sino bang Kapamilya stars ang magkakaroon talaga ng show sa TV5.

May virtual trade launch daw kasi ang TV5 sa araw na ‘yon.

Sey ng katsikahan ko, “Nakita ko na sa line-up sina Billy Crawford at Kylie Verzosa.  Ewan ko ‘yung iba pa. Balitaan na lang kita,” sabi nito.

Bale 2:00 p.m. daw ang virtual trade launch at ilan lang ang tao sa Reliance studio nila at ang advertisers ay nasa kanya-kanyang lugar nila at pati ang mga artistang kasali sa event na ‘yon ay wala rin sa studio.

So, Ateng Salve, magkasama naman tayo sa araw na ‘yon, tutukan na lang natin kung sinu-sino ba ang makakasama sa virtual trade launch na ‘yon ng TV5, huh! How exciting. ‘Yun na!

vuukle comment

TV5

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with