^

PSN Showbiz

Sarah, mas nakilala na ang sarili

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Sarah, mas nakilala na ang sarili
Sarah G.
STAR/ File

Mula nang nag-asawa ay maraming mga bagay na ang natutunang gawin ni Sarah Geronimo. Matatandaang February 20 nang lihim na magpakasal sina Sarah at Matteo Guidicelli.

“Katulad ng pagluluto, may mga niluto ako na hindi ko akalaing maluluto ko for myself and for my husband. Nakakatuwa, isa rin sa mga naitulong ng sitwasyon natin ngayon ‘yung matuto ka talagang tumayo sa sarili mong mga paa, matuto talaga sa buhay,” makahulugang pahayag ni Sarah.

Para sa Popstar Royalty ay mas nakilala rin niya ang sarili ngayong wala na sa poder ng kanyang ama at ina.“Marami akong mga nalalaman about myself na gani­to pala ako or ganyan. May mga good, meron ding parang alam ko talaga sa sarili ko na kailangan kong i-improve especially now na you’re no longer your own. Meron ka ng kabiyak. Kasi nasanay nga tayo na tayo lang sa buhay and your family. Ngayon meron kang asawa na kailangan mo ring isipin, kailangan mong alagaan. At the same time, huwag mo rin kakalimutan mahalin ‘yung sarili mo and never lose your identity as a person,” paliwanag ng singer-actress.

McCoy, maraming nami-miss sa Star Magic

Kahit nasa pamamahala na ng Viva Artists Agency ay mananatili pa ring Kapamilya star si McCoy de Leon.

Kabilang ang aktor sa teleseryeng Walang Hanggang Paalam na mapapanood na sa Kapamilya Channel simula September 28. “Home ko na ang ABS-CBN eh, hindi na ‘yon mababago. Kaya naging komportable ako sa Viva kasi naiintindihan nila ‘yung gusto kong mangyari, na hindi ako aalis ng ABS-CBN. Palawakin ko lang siguro ‘yung pwede kong pasukan na work, pero ABS-CBN will always be my home talaga, habambuhay na ‘yon,” paliwanag ni McCoy.

Ayon sa aktor ay hindi talaga naging madali ang ginawang desisyon na umalis sa pangangalaga ng Star Magic para lumipat sa Viva. Hindi raw kaagad nakapagpaalam si McCoy sa kanyang handler sa Star Magic tungkol sa kanyang mga plano. “’Yon ang pinakamahirap na proseso sa totoo lang. Before pandemic po wala na akong contract sa Star Magic. Kumbaga, naging freelance na ako. Sabi ko sa kanila, wala naman akong ibang plano sa buhay. Sila pa rin ang mag-schedule. Nando’n na nga po ako sa punto na gusto ko na lang mag-aral at umalis na sa showbiz nang tuluyan. Eh may nagbigay ng sign sa akin, meron pang lumalapit, meron pang opportunity. So sabi ko walang masama kung i-grab ko. Ang hirap kung paano ko uumpisahan sa handler ko. Ipinaalam agad siguro sa mga boss kaya ‘yon, mahirap na sitwasyon. Pero sa mga boss naintindihan naman nila,” pagdedetalye ng binata.

Aminado naman si McCoy na marami siyang hinahanap-hanap ngayon na nararanasan niya sa Star Magic noon. “Unang-una, miss ko ‘yung family ko do’n siyempre. Iba na ‘yung na-build na family do’n eh. Sabi lang nila, ‘Sige, mag-grow ka lang, fly high.’ Sabi ko, hindi naman ako aalis nang tuluyan. Iba lang ‘yung magma-manage. Mami-miss ko din ‘yung mga events do’n. ‘Yung mga sports events na ginagawa ng Star Magic and then ‘yung ABS-CBN Ball,” pagtatapat ng aktor.   (Reports from JCC)

vuukle comment

MATTEO GUEDECELLI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with