Luis ‘di natuloy Piolo, Billy, Alex, Catriona, Korina at iba pa kasado na ang programa sa TV5
Wala nang atrasan ang mga programa ng Kapamilya stars sa TV5.
Kahapon ay lumabas na ito matapos kumalat ang announcement ng Brightlight Productions ni former Congressman Albee Benitez sa mga advertiser.
Kabilang nga sa mapapanood starting next month sa network ni Mr. Manny Pangilinan na pamamahalaan ni Mr. Johnny Manahan and Direk Bobot Mortiz ang Laugh Out Loud with Billy Crawford, Alex Gonzaga, K Brosas and Wacky Kiray; Rated Korina with Korina Sanchez na diumano’y mas pinili kesa sa programa ni Kris Aquino, ang sitcom nina Ian Veneracion, Dimples Romana, Sue Ramirez, Ariel Ureta and Gloria Diaz.
Confirmed din base sa nasabing letter ang Sunday noontime show nina Piolo Pascual and Catriona Gray na Sunday Noontime Variety Show; ang romantic drama series starring Beauty Gonzales, RK Bagatsing and Yen Santos na I Got You and Sunday Kada Kada Sunday.
Hindi naman daw natuloy ang pagsali ni Luis Manzano sa noontime show kung saan sila sana ni Billy ang main host.
By the way, si former congressman Albee ang tatay ni Javi Benitez na boyfriend ni Sue Ramirez na nakarating na ng Negros via private plane. Oh ‘di ba ang sosyal si Sue.
- Latest