^

PSN Showbiz

Korina, ginagawang ‘tawas’ ng bashers sina Pepe at Pilar

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Korina, ginagawang �tawas� ng bashers sina Pepe at Pilar
Korina Sanchez at mga anak na sina Pepe at Pilar

Sanay na sanay na si Korina Sanchez sa ginagawa ng online bashers sa kanya. Madalas na nakararanas ng pamba-bash ang broadcast-journalist mula sa netizens. Maraming beses na ring hindi pinalampas ni Korina ang mga negatibong komentong ibinabato sa kanya at pinapatulan ang mga ito. “Sabi ko, mag-nega kayo hanggang gusto n’yo. Basta ako masaya, goodbye! Bruha, please leave,” natatawang pahayag ni Korina.

Masayang-masaya ang buhay ngayon ni  Korina bilang isang ina sa kambal na anak nila ni Mar Roxas na sina Pepe at Pilar.

Nakaaaliw palagi ang mga post ng betera­nang brodkaster sa social media tungkol sa mga bata. Hanggang ngayon ay marami umanong kumukuwestiyon kung tunay ngang anak ni Korina ang kambal. “Ayaw nilang maniwala na anak ko si Pepe. ‘Yung mga naghihinala ng kung anu-ano. Baka binili ko lang sa supermarket ang mga fetus, may mga ganyan. Pero kung makikita mo ang mukha ng tatay ko, ang tatay ko kasi may dugong Latino. No’ng bata siya talagang super light brown ‘yung buhok at kakulay ng mata ni Pepe,” kuwento niya.

Kahit maraming bumabatikos ng kung anu-anong bagay kay Korina ay mas pinipili na lamang niyang maging positibo bilang isang mabu­ting tao.

Kuntento at wala na raw ibang mahihiling pa ang brodkaster mula nang magkaroon ng mga anak. “Ang decision ko sa online, gusto ko lahat positive lang. It’s such a powerful medium. Dapat gamitin ‘yan na mag-spread na good vibes at positivity kaysa lungkot at nega. Ang tawag ko sa kanila (Pepe at Pilar) ay tawas, tawas sa nega ng buhay. Pilar, kung masama ang mood ko, guma­ganda ang mood ni mama. Si Pepe ‘Ma’am’ ang tawag sa akin kasi ‘yon ang tawag ng yaya niya sa akin. Tapos si Pepe kapag lumapit, mapungay ang mata. Titingin lang siya sa akin at ngingiti. Hay naku! Nawala na lahat ng problema at pagod ko,” pagbabahagi ni Korina.

John, nawawala ang pagod sa tatlong anak

Tatlo na ang anak ngayon nina John Prats at Isabel Oli. Taong 2015 nagpakasal ang mag-asawa at mula noon ay unti-unti nang natupad ang pangarap ng aktor na bumuo ng sariling pamilya. “Nakakatuwa kasi as a parent, no’ng isa pa lang ang anak namin, no’ng nabuntis si Liv (palayaw ni Isabel) kay Freedom, ‘Ano kaya ang magiging dating kay Feather?’ Pero nakakatuwa kasi parang natural pala ‘yung nangyayari,” bungad ni John.

Apat na taong gulang na si Feather habang magdadalawang taong gulang pa lamang si Freedom. July 17, 2020 naman nang ipanganak ni Isabel ang bunsong si Forest.

Ibang kaligayahan umano para kay John ang naidudulot ng kanyang mga anak sa tuwing umuuwi siya sa bahay. “’Yung going home from work kahit gaano ka kapagod. Totoo pala ‘yon, it’s not overrated. Para kang na-recharge. Akala mo ubos ka na from your day. But when you see them and they want to play more and they want to bond with you. Parang ang galing, meron pa pala akong ilalabas. May joy pa pala. Whenever they laugh, kapag gusto nila makipaglaro sa ‘yo, very rewar­ding,” pagdedetalye ng aktor. Reports from JCC

vuukle comment

KORINA SANCHEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with