^

PSN Showbiz

Mark at gf nakabuo ng lockdown baby!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Mark at gf nakabuo ng lockdown baby!
Mark Herras at Nicole Donesa

Finally ay in-announce na rin ng magkasintahang Mark Herras at Nicole Donesa sa kanilang MarkNico Herras YouTube channel na limang buwang buntis na si Nicole. Ibinahagi nila doon ‘yung first check-up nung June 2, ang second check-up noong June 16, third check-up nung July 7, noong August 4 ang fourth check up at noong September 1 lang ang 5th check up na kung saan malalaman kung ano ang gender ng baby.

Sabi nila, kahit boy o girl ang kanilang magiging anak, tatawagin nila itong si Baby Corky. Pero nagtatalo na silang dalawa, dahil baby boy ang gusto ni Mark, at girl naman ang type ni Nicole.

Kahapon lang nila in-upload sa kanilang YouTube para sabihin ni Mark na; “We’re happy, we’re proud and excited, Nico is pregnant!”

Sa kanilang July 7 check up lang nila nalamang three months na ang ipinagbubuntis ni Nicole.

Pero sabi ni Mark, dahil engaged na sila at kung mapagdesisyunan man nilang magpapakasal, hindi raw ang pagbubuntis ang dahilan kung bakit sila magpakasal. “Hindi iyon ang reason kung bakit kami magpapakasal. Kasi ang dami nang nangyari sa mundo,” pakli ni Mark.

“First trim ester sa akin was so hard,” sabi naman ni Nicole. Halos lahat daw na pagkain ay pinaglihian ni Nicole, kaya mabilis siyang nagdagdag ng timbang at ang dami raw niyang pimples na naglabasan.

Pero sa totoo lang, ang talagang number one daw na pinaglihian ni Nicole ay si Mark. “Since day one up to now, ako po yung pinaglilihian ni Nicole. Kaya huwag kayong magulat pag lumabas ang baby namin na ako po ang kamukha niya,” natatawang pahayag ni Mark.

At ngayon pa lang ay may mensahe na si Mark sa mga nanlalait, mga namba-bash sa kanila. “I’m warning all the bashers, huwag n’yo kaming gagawan ng isyu or huwag magsasabi ng kahit anong negative about me and Nicole kasi papatulan ko kayo,” deretsong pahayag ni Mark. “During this time kasi we’re going through a lot. ‘Yung COVID, marami ang nangangailangan. We hope na ang isi-share namin sa inyo, suportahan n’yo na lang kami,” pakiusap naman ni Nicole.

Pero sabi naman ni Nicole, mas gusto raw niyang wala na raw sanang kanegahan at light lang ang lahat. Alam daw niyang magiging good boy na rin si Mark at hindi na niya papatulan ang bashers.

Nagpasalamat na lang sila sa kanilang pamilya na talagang sumuporta sa kanilang dalawa, pati ang mga close friends na masaya sa pagkakaroon ng kanilang baby Corky.

Sa huling bahagi ng kanilang video ay nagpa-check up uli si Nicole noong September 1 at kasama niya ang Mommy niya. Wala kasi si Mark dahil nasa trabaho raw.

Ang Mommy ni Nicole ang may hawak ng resulta ng gender ng baby at napa-Oh my God siya nang nakita niya ito.

Naka-text ko si Mark kahapon at sinasabi niyang sobrang happy raw niya talaga ngayon.

“Shake is a loner, hindi po dahil ginusto niya ‘yon pero dahil naging ganun siya sa mga pinag­daanan niya sa buhay. He’s an orphan at an early age.

“Being alone, natutunan niya kung papano mabuhay at alagaan ang sarili,” ang kuwento ni Darwin sa character niyang si Shake.

In a way ay nakikita niya ang sarili kay Shake except sa pagiging loner. “I’m not a loner, I wanted to be friends with everyone.” He adds, “marami kaming similarities ni Shake pero siguro yung pinakauna is ‘yung pagi­ging strong inside. Hangga’t kaya ko ‘yung problema or pinagdadaanan ko, sinasarili ko talaga.”

Meanwhile, Enzo plays Ken na isang sweet and ­loving person who’s very passionate with his craft-wri­ting. “Getting into character wasn’t that hard because of the similarities of my character and my own personality.

“I’m an outgoing person, who values my family so much. I love my friends too and I tend to be the super optimistic one in my group of friends.

“I believe that growth stems from an open space, molded by the right environment, and the right care.

“Ken is also very passionate with his craft as I am to my craft.”

 Oo nga raw ay mabilis ang naging connection nila, ibang challenge lang ang naranasan nila nang gumanap silang young and innocent lovers.

“Nung una ang hirap syempre kasi ang awkward namin ni Enzo. Hindi naman kami magkakilala talaga pero dahil sa six months of preparations, I am confident enough to say na naayos naman namin lahat and very smooth talaga lalo na nung shooting,” paliwanag ni Darwin.

“The story was so well-written that I also fell in love not only with Ken, but the other characters too.

“Aside from the awesome story, I love projects that have an impact on the flaws of our society,” hirit naman ni Enzo.

My Extraordinary, na kauna-unahang BL series on national television, is directed by Jolo Atienza, written by Vincent De Jesus and produced by AsterisK Digital Entertainment.

Magsisimulang mapanood ang eight-episode series sa TV5 & GagaooLala on September 27, 2020, 10:00 p.m. and will be uploaded on Asterisk Digital Entertainment channel on YouTube at 11:00 p.m. on the same day.

After the pilot episode, GagaOOLala will pre-release the new episodes every Tuesday star­ting September 29, five days earlier than TV and YouTube release.

vuukle comment

MARK HERRAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with