^

PSN Showbiz

Bagong baby nilantad, Carlo tatay na rin!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Bagong baby nilantad, Carlo tatay na rin!

Ahhh tatay na rin pala si Carlo Aquino.

Yup, kahapon nga sa kanyang social media account ay nilantad ng A Soldier’s Heart actor ang baby nila ng girlfriend na si Trina Candaza. “You can thank your stars all you want but… Ill always be the lucky one. Enola Mithi Aquino@trinacandaza.”

Kaya naman apaw ang congratulatory messages sa kanyang post.

Obviously nailihim ng actor ang pagbubuntis ng girlfriend na isang model.

Wala siyang binigay na ibang information kung kailan ito nanganak.

Bongga, tahimik lang ang actor at nakatapos pa ng taping ng A Soldier’s Heart na una sa mga nagbalik na teleserye ng Kapamilya Channel at in fact, may staff pa nga raw na-infect ang nasabing serye pero hindi raw main character kaya itinuloy ang taping nila. Hanggang this week na lang mapapanood ang A Soldier’s Heart.

Maaalalang naging malaking issue noon ang nangyari sa kanila ni Angelica Panganiban matapos mag-akala ang actress na sila na uli. ‘Yun pala may girlfriend na si Carlo na nanay nga ng kanyang brand new baby.

vuukle comment

CARLO AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with