^

PSN Showbiz

Janella buntis?!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Janella buntis?!
Markus at Janella

Nasa London kasama si Markus...

Ang duda ng karamihan kung bakit umamin na sina Janella Salvador at Markus Paterson ng kanilang relasyon ay dahil nagdadalangtao na raw ang young actress.

Ipinost ni Janella sa kanyang Instagram account ang kuha nila ni Markus  sa Osaka, Japan na mahigpit na magkayakap. Nasa caption nito : “The best hugs in the world from the best potato in the world.”

Meron ding ipinost si Markus sa kanyang IG account na sweet silang sumasayaw ni Janella.

Nasa London ngayon ang dalawa na kung saan tagaroon si Markus.

Ang galing ng ilang fans nila, nasusubaybayan sila sa kanilang Instagram account at doon nila napapagtantong maaaring nagdadalangtao si Janella.

May IG live si Markus na tila nagkakasayahan sila, at naririnig ang boses ni Janella na sinabi niyang hindi raw siya allowed na tumalon.

Ang assumption nila, baka nga buntis ang young actress dahil bakit hindi siya puwedeng tumalon.

Kamakailan lang ay nag-post si Jenine Desiderio na lumipad siya patungong abroad, at ang tingin na naman ng mga netizen pumunta ito ng London para samahan doon si Janella.

May isang lG live ang kapatid ni Markus na naririnig ang boses ang Jenine. Kaya sinasabi na naman ng fans na sumunod nga roon si Jenine para samahan ang kanyang anak.

Kaya umamin na raw ang dalawa sa kanilang relasyon, dahil malamang na ang kasunod nito ay aaminin na ring magkaka-baby na silang magkasintahan.

As of presstime wala pang sagot sa amin ang handler ni Janella tungkol sa tunay niyang kalagayan.

Marian nag-aaral uli

Bukas, Martes pa raw puwedeng umuwi si Dingdong Dantes sa tahanan nila ni Marian Rivera pagkatapos nitong mag-taping sa Descendants of the Sun.

Nung Biyernes natapos ang taping nina Dingdong at dumaan sila uli sa swab test.

After three days ay lalabas ang resulta kaya habang hinihintay ito, naka-self isolate muna si Dingdong.

Nang nakatsikahan namin si Marian via Zoom nung nakaraang Sabado, ikinuwento niya ang hirap ng ganung proseso ng taping kaya hindi niya talaga puwedeng gawin ang First Yaya.

Kailangang gawin lang daw talaga ito ni Dingdong dahil dapat nilang tapusin ang Descendants. Kaya nagpasalamat naman sila na natapos na ang taping pero hindi nga raw puwedeng dumeretso ng uwi kaya naka-quarantine uli hanggang sa lumabas na ang resulta ng swab test.

“Tinawagan nga niya ako, sabi niya puntahan niyo ako rito. Ha? Nag-quarantine ka pa tapos pinapupunta mo kami diyan. Sabi ko magtiis ka na lang.

“Nakatiis ka na ng madaming araw, magtiis ka pa ng tatlong araw, sabi ko,” dagdag na kuwento ni Marian sa mga kausap na press.

“Mas maigi na ‘yung maingat kami kasi di ba? Mahirap eh, sa panahon ngayon hindi puwedeng bara-bara. Kailangan palaging sigurado na okay bago umuwi ng bahay,” dagdag na pahayag ng GMA Primetime Queen.

Pero sabi nga ni Marian, malaking bagay din daw ang nagawa ng quarantine sa relasyon nila ni Dingdong. Mas lalo raw silang naging close at doon daw nila napagtantong compatible talaga sila sa isa’t isa.

“Very thankful kami ni Dong na never kaming nag-away, at mas lalong tumibay ang pagmamahal namin na nagkikita kami araw-araw, naglalambingan kami araw-araw, masaya kami araw-araw.

“Siyempre kahit nasa loob ng bahay, lahat ay natatakot sa pandemya. Pero kung titingnan mo sa kabilang banda, siguro ito yung time namin na magkaroon talaga ng quality time, kasi parehas kaming busy palagi lalo na si Dong na parang araw-araw wala sa bahay, may taping, may ­meeting, may kailangan conference.

“Itong pandemya lang talaga na magkasama kami na solid araw-araw. So, very thankful na ang pagmamahalan namin na naging matibay pa lalo as in,” saad ni Marian.

Ngayon ay nakatutok daw siya sa pag-guide sa online class ni Zia, at nagpapa-breastfeed pa rin siya kay Ziggy.

Bukod pa riyan ay nago-online class din siya na kung saan may kinukuha siyang kurso na may kinalaman sa kanyang pagiging entrepreneur para sa ilang negosyo.

Balak din daw niyang mag-aral ng Baking kay Heny Sison, pero meron pa siyang ibang pinag-aaralan sa ngayon.

vuukle comment

JANELLA SALVADOR

MARKUS PATERSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with