^

PSN Showbiz

Jose Mari Chan sasali sa bawal ma-stress drilon

Pilipino Star Ngayon
Jose Mari Chan sasali sa bawal ma-stress drilon
Jose Mari Chan

Makakasama ni Ces Drilon ang icon ng selebrasyon ng Pasko sa Pilipinas, ang singer-songwriter na si Jose Mari Chan sa Bawal Ma-Stress Drilon na mapapanood 9:30 p.m. sa FYE Channel sa Kumu ngayong Setyembre 21 (Lunes).

May pagkakataon ding makakasama sa masayang usapan at makikikanta ng mga pamaskong awitin ang mga Kumuzens kasama sina Ces at Jose Mari sa pagsali sa Let’s Sing Merry Christmas and A Happy Stress Drilon campaign.

Kailangan lang magsimulang mag-public live stream ang mga sasali simula ngayon hanggang 11:59 a.m. ng Setyembre 18 (Biyernes) at makaipon ng ‘Stress Drilon’ virtual gift mula sa mga manonood nila.

Ang streamer na makakakuha ng pinakamaraming virtual gifts ang magiging co-host sa episode, habang ang nasa ikalawa at ikatlong puwesto naman ay makakasama rin sa live stream. Lahat naman ng top five streamers ay makakatanggap ng Ces.Style x Peculiar Eyewear—ang nangungunang computer eyewear online na may UV400 lenses.

Isa ang Bawal Ma-Stress Drilon sa mga patok na digital shows na ipinapalabas nang live sa Kumu, kung saan nakikipag-usap si Ces sa kanyang mga guest gaya nina Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno, Maymay Entrata, at Gardo ‘Haggardo’ Versoza, kasama pa ang Kumuzens. Isa rin ito sa mga puwedeng panoorin sa FYE Channel, kung saan dapat abangan ng mga manonood ang mga live na usapan, laro, mga pagtatanghal at iba pa.

Maging stress-free ngayong Christmas season at sumali sa Let’s Sing Merry Christmas and A Happy Stress Drilon campaign kasama sina Ces at Jose Mari Chan! I-download ang Kumu app at sundan ang FYE Channel (fyechannel) para mapanood ang iba pang mga programa ng FYE Channel sa Kumu.

vuukle comment

JOSE MARI CHAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with