^

PSN Showbiz

Jason at Vickie sa bukid magpapatayo ng bahay

Ruel Mendoza - Pilipino Star Ngayon
Jason at Vickie sa bukid magpapatayo ng bahay
Vickie at Jason

Napag-uusapan na pala nila Jason Abalos at beauty queen girlfriend Vickie Rushton ang kasal at kung saan sila magtatayo ng bahay para palakihin ang kanilang mga magiging anak.

Sa isang panayam kay Jason, dinala nga raw niya si Vickie sa kanyang hometown sa Pantabangan, Nueva Ecija kung saan naroon ang malawak na farm land na pamana ng kanyang lolo.

Doon nga raw pinaplano ni Jason na magpatayo ng bahay na ang paligid nila ay mga puno at halaman at malayo sila sa gulo ng Metro Manila.

“Mayroon kasi ako doon gustong i-develop na pamana pa sa akin ng lolo ko. So, sabi ko mas maganda na ‘ka ko ang ating bahay nasa nature. Mas magandang dito mo palalakihin ‘yung mga anak natin na sanay sa mga alagang hayop, sanay sa halaman, sanay magtanim ng mga gulay,” sey ni Jason.

Approve daw kay Vickie ang tumira sila sa probinsya dahil yun din ang gusto niya. “‘Yun naman talaga ang gusto niya rin kasi lagi kaming nangangarap na magkaroon ng beach house, ng farm land para doon kami bubuo ng pamilya,” ngiti pa ni Jason.

Albert magkakaroon na naman ng bagong apo

Magiging lolo ulit ang veteran actor na si Albert Martinez dahil buntis na ang fiancee ng kanyang anak na si Alfonso Martinez.

Double celebration nga ang naganap noong nakaraang September 8 sa Angelfields Nature Santuary in Cavite dahil bukod sa ginawang proposal ni Alfonso sa kanyang longtime girlfriend na si Mikaela, in-announce din nila na magkakaroon na sila ng baby.

May name na nga sila para sa kanilang baby boy at ito ay Arturo.

Makikita sa Instagram ni Mikaela na happy ang kanyang future father-in-law na si Albert na magkakaroon na ulit ng apo.

Unang apo ng aktor na si Adalynn Riley ay anak ng kanyang panganay na si Alyanna. “Our crew just got a little bit bigger #bunintheover #BabyArturo,” caption ni Mikaela.

Paris Hilton ilalantad kung paano nakidnap

Nagbabalik ang original reality star na si Paris Hilton pero this time ay bibida siya sa isang documentary titled This Is Paris.

Isa itong YouTube Original na eere on September 14. The docu-film gives an inside look into Hilton’s day-to-day life, offering an unfiltered and honest pers­pective on the reality star.

“This is completely different from anything I’ve ever done,” sey ng heiress and socialite na dinirek ng Emmy-winning director na si Alexandra Dean.

The production team followed Hilton around the world ng isang taon at na-capture nila ang rare at never-before-heard stories sa buhay ni Paris.

Kabilang nga rito ay ang minsan na siyang nakidnap for ransom noong bata pa siya at noong ma-involve siya sa lalakeng inabuso siya sexually.

Mag-premiere dapat sa 2020 Tribeca Film Festival ang This Is Paris pero dahil sa COVID-19 pandemic, nakansela ang buong festival.

Bago ang Kardashian Family, si Paris ang naunang gumawa ng reality show titled The Simple Life noong 2003 kunsaan kasama ang best friend niyang si Nicole Richie.

Paris was only 19 noong gawin niya ang reality show na pinapakita ang isang heiress na sinusubukan na mamuhay ng isang average life sa isang small town in Arkansas.

vuukle comment

JASON ABALOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with