^

PSN Showbiz

Rufa Mae, nawindang sa wildfire

Ruel Mendoza - Pilipino Star Ngayon
Rufa Mae, nawindang sa wildfire

MANILA, Philippines — Nasaksihan ng komed­yanteng si Rufa Mae Quinto ang kasalukuyang nangyayaring wildfire sa California.

Sey ni Rufa Mae na parang eksena raw sa isang disaster movie ang nagaganap ngayon sa bundok ng California, dahil sa malawakang sunog.

Sobrang init daw ngayon sa San Francisco dala ng wildfires at declared under state of emergency ang mga countries of Fresno, Madera, Mariposa, San Bernardino and San Diego.

Pinost ni Rufa Mae sa kanyang Instagram ang video ng namumulang langit na bumabalot ngayon sa San Francisco.

“Kasalukuyang 12:00 pm dito. Tanghaling tapat sa San Francisco pero ito po ang labas namin... nakaka-shock man, Kailangan, maging strong keep calm and carry on! Bay bridge. Nagulat ako pag gising ko kala ko pa sunrise palang.. tapos Isip Isip lobo na ba? char! Ayun pala, ganyan ang kapaligiran kasi may wildfire dahil may heatwave ang long weekend Labor Day dito. Sa sobrang init, mada­ming nasusunog ang fields, forest, grass, trees mountains. Lahat ng taga dito Sabi, first time it happened ever in this lifetime , Anyways, keep safe guys.”

Ilang buwan nang nasa San Francisco si Rufa Mae, dahil inabot sila roon ng kanyang anak na si Alexandria ng lockdown.

Sa San Francisco kasi nag-celebrate ng Valentine’s Day si Rufa Mae at ang kanyang mister na si Trevor Magallanes na naka-base sa US. Sinabay na rin nila ang 3rd birthday ng kanilang anak.

Hindi nakabalik ang mag-ina sa Pilipinas, dahil ilang beses nang nakansela ang flight nila pauwi.

Boobay, tuloy ang ligaya sa dyowang nasa Australia

Dahil sa COVID-19 pandemic, matagal na nawalay ang Kapuso comedian and TV host na si Boobay sa kanyang boyfriend na si Kent Juan Resquir na naka-base sa Australia.

Sey ni Boobay na two years na raw silang may LDR (Long Distance Relationship), pero nagagawa raw nilang mag-usap parati lalo na noong magkaroon ng lockdown. “Ang maganda naman doon sa Australia ngayon, parang okay na ‘yung COVID-19 situation doon at nakabalik na siya sa work. At ang maganda, mas nagkaroon kami ng madalas na communication. ‘Yun ‘yung pinaka-importanteng nangyayari sa amin nga­yon,” sey ni Boobay.

Kahit daw minsan ay nakakaranas ng lungkot si Boobay, nagagawa niyang maging matapang dahil pareho raw silang kailangang magtrabaho para mabuhay pati na ang ilang taong dumedepende sa kanila.

Happy naman si Boobay dahil magbabalik na sa GMA ang The Boobay And Tekla Show na ilang buwan na napahinga. Muli raw silang maghahatid ng saya ni Super Tekla sa September 13 kung saan buwena mano guest nila si Mark Bautista.

The Avengers at GOT star na si Diana Rigg, pumanaw 

Pumanaw na sa edad na 82 ang former Bond Girl at bida ng ‘60s British crime series na The Avengers na si Diana Rigg.

Cancer ang kinamatay ni Diana na nabigyan ng titulo na Dame ni Queen Elizabeth II dahil sa naging contribution nito sa British entertainment. “She spent her last months joyfully reflecting on her extraordinary life, full of love, laughter and a deep pride in her profession,” ayon sa anak nito na si Rachel.

Huling napanood si Dame Diana bilang si Lady Olenna Tyrell sa HBO series na Game Of Thrones.

Dame Diana also played the only woman who became Mrs. James Bond. Kinasal siya sa James Bond movie na On Her Majesty’s Secret Service in 1969 kung saan ang gumanap na James Bond 007 ay si George Lazenby.

Nakilala rin si Dame Diana sa kanyang role as Duchess of Buccleuch in ITV’s Victoria and Mrs Pumphrey in Channel 5’s new adaptation of All Creatures Great and Small.

In her entire 50 year career, nanalo si Dame Dia­na ng one Tony Award, 1 Primetime Emmy Award at 1 BAFTA Award and numerous acting nominations.

vuukle comment

RUFA MAE QUINTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with