^

PSN Showbiz

Donita, magiging receptionist sa Amerika!

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon

Kahapon ng 2:00 p.m. (Philippine time), ka-chat ko sa pamamagitan ng WhatsApp si Donita Rose.

Nasa San Mateo, California na si Donita kasama ang anak na si JP at sa bahay ng kapatid niyang si Paul nakatira ngayon ang mag-ina. Noong Wednesday sila umalis ng bansa.

So, how’s the flight? “Flight was good!” sey ni Donita. Matindi pa raw ang jet lag na nararamdaman niya. “Yes, jet lagging. Hahaha. Slept at 8:00 p.m. and woke up 30 minutes ago. Argh,” sabi niya.

Grabe pa naman ngayon sa lugar nila, parang “doomsday” dahil sa massive Northern California wildfires. “Yes, skies are dark all day!” sabi ni Donita.

Pero kahit parang “doomsday” nga sa lugar nila, hindi naman nag-stay lang sa bahay si Donita. Lumarga na raw siya kahapon kahit less than 24 hours pa lang siya doon. “Had a job interview kanina,” sabi niya, kaya ang reaksyon ko ay, “Ang bilis!”

So, sa TFC (The Filipino Channel) ba ‘yon na balitang tina-target niya noong una na pag-apply-an? “Not TFC. Malabo raw kasi ang TFC because of the shutdown (non-renewal ng Kongreso sa franchise ng ABS-CBN)

“It’s for a receptionist position for an expanding dental company. It’s in downtown (San Francisco). I go back again on Tuesday for a second interview.

“Bale 40 minutes drive from our place. I took Uber.

“Kinda far so I might have to commute, but I think I should get a job na, kaya ok lang kahit malayo,” sabi niya.

Magastos din kung mag-Uber siya palagi, kaya tama lang na mag-commute siya. So, ok lang ba sa kanya to commute?

“I wouldn’t know. Have never tried before! I haven’t tried commuting here,” sabi niya.

Hindi ba siya nagda-drive? “No car yet. I need to save up a bit for a car,” sey pa ni Donita.

Pero in fairness to Donita, wala na siyang inaksayang panahon ngayong balik na sila sa California, huh!

Saka hindi rin nag-iinarte sa trabaho si Donita at kahit ‘yung receptionist job sa dental company ay ok sa kanya.

Marami kasi ang nag-akala na ang unang work na a-apply-an ng aktres ay sa TFC o may kinalaman sa pagiging chef niya (graduate siya ng culinary course).

Ang anak nga pala ni Donita na si JP ay mag-aaral na rin sa lugar nila doon. Online class lang daw. Bale nasa Grade 10 na si JP at that day rin ay na-enroll na nila ito. “He was given a free laptop,” kuwento pa ni Donita.

Karamihan nga sa mga school sa Amerika ay may libreng laptop na ibi­nibigay sa mga mag-aaral, ang iba pa nga ay tinutulungan na magkaroon ng free internet connection!

Anyway, mukhang madali namang makakapag-adjust si Donita sa magi­ging buhay nilang mag-ina sa California dahil na-try na rin naman niyang tumira at magtrabaho noon sa Las Vegas, Nevada.

Good luck sa US life mo, Donita! ‘Yun na!

vuukle comment

DONITA ROSE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with