^

PSN Showbiz

Serye ng KathNiel, inaapelang ipalit sa Probinsyano?!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Serye ng KathNiel, inaapelang ipalit  sa Probinsyano?!
Kathniel
STAR/ File

Pawang malalaking programa ang pinag­hahandaan ng produksyon ng dating Cong. Albee Benitez na ipalalabas sa TV5. Wala pa silang official announcement hanggang sa ngayon.

Pero napapag-usapan na nga ang isang noontime show na sinasabing pagsasamahan nina Luis Manzano at Billy Crawford.

May isa ring sitcom na ayaw pa ring sabihin kung sino ang sikat na Kapamilya comedian ang magbibida.

Ang latest pang nasagap namin ngayon ay isa ring musical show na mala-ASAP daw ang konsepto na tatampukan naman nina Piolo Pascual at Catriona Gray.

Ang dinig pa namin makakasama roon ay isang taga-Eat Bulaga at baka kasama rin daw sina Jericho Rosales at Maja Salvador.

Madali lang daw itong ayusin dahil ang sinasabing Kapamilya executive na magiging consul­tant nito ay si Mr. Johnny Manahan.

Sa takbo ng mga pangyayari, marami na talagang mga Kapamilya artists ang mapapanood na sa TV5.

Pero ang tanong ng karamihan, paano ang iba pang prime artists nila?

Obviously, tuloy pa rin ang Ang Probinsyano ni Coco Martin, at nandiyan pa rin naman ang It’s Showtime ni Vice Ganda kasama sina Vhong Navarro at Jhong Hilario.

Ang latest pang nakarating sa amin, meron naman daw proyektong ipinangako ang ABS-CBN sa KathNiel.

Isang teleserye ito at baka ituloy na rin daw ang pelikula sa Star Cinema kapag humupa na itong pandemyang hinaharap natin.

Pero mukhang mauuna muna ang teleserye na wish ng fans ay ito na raw sana ng ipapalit sa Ang Probinsyano, kung tatapusin na nga ang teleserye ni Coco.

May ipinost din si Karla Estrada kamakailan lang kung saan parang nasa isang recording sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Iyon daw ang ating abangan na malapit na ring iri-reveal.

Janno, pinaalalahanan ni Anjo sa ‘sakit’ na pagiging late

Hindi pa rin daw talaga kumukupas si Janno Gibbs! ‘Yan ang isa sa ibinahaging tsika sa amin ni Anjo Yllana na abala na sa rehearsal ng bago nilang noontime show, ang Happy Time sa Net 25.

Ang dami raw kasing inputs si Janno na nakakaaliw daw talaga. Kaya hindi nagkamali ang mga taga-Net 25 na kunin siya dahil marami siyang naiisip na magagandang segments para sa kanilang programa.

Natanong nga namin kay Anjo kung okay na okay na ba si Janno at hindi na ito nali-late.

Alam naman ng lahat ang attitude ni Janno na adjusted na rin ang mga katrabaho niya sa madalas na pagdating nito nang late.

Sabi naman ni Anjo, nagkausap daw silang dalawa at ipinaintindi raw niya kay Janno na sa kanila ito ipinagkatiwala, kaya dapat na mahalin daw nila itong kanilang programa. “Basta sinabi ko po sa kanya na mahalin natin itong show because… kumbaga, parang pioneering kami dito sa Net 25 eh dito sa noontime show. Agree po siya dun, mamahalin niya.

“Kung dumating po siya nang maaga mas maganda, Kung dumating po siya ng late, buti na lang may Kitkat po,” napangiting pahayag ni Anjo nang nakatsikahan ko kamakailan lang.

Sa September 14 na magsisimula ang Happy Time ng alas-dose hanggang alas-dos ng hapon na katapat ng Eat Bulaga.

Sisikapin daw nilang mag-live, pero para mas ma-control at maipapatupad ang safety protocols and guidelines, iti-tape daw muna nila ito.

Shalala, muntik mabudol

Mangiyak-ngiyak ang komedyanteng si Shalala na nagkuwento sa akin noong Lunes ng gabi na muntik na pala siyang mabudol-budol sa taxi na sinakyan niya pauwi ng bahay.

Galing si Shalala sa isang producer na kung saan may malaking halaga ng perang ibinigay sa kanya para ipambayad sa isang project na ginagawa nila.

Hindi niya dala ang kotse niya, kaya nag-Grab na siya pauwi. Pero nahirapan daw siyang mag-book ng Grab kaya pumara ito ng taxi.

May kasabay siya, pero nauna itong bumaba. Nakita raw ng driver na may pera siyang ibinigay sa kasama niya.

Nang siya na lang naiwan sa taxi, parang may naamoy daw siya na parang gas pero hindi na lang niya ito pinansin. Panay pa raw ang kuwento ng taxi driver na mahirap na raw talaga ang buhay ngayon, lalo na’t hindi naman daw kalakasan ngayon ang taxi.

Nang malapit na raw siya sa kalyeng lilikuan papunta sa bahay niya, binigyan niya ng instruction ang driver kung saan ito liliko.

Pero lumagpas daw ang driver at ang sabi raw bawal doon pumasok kaya iikot sila. Meron daw silang nilikuan na tila iba na sa tingin ni Shalala. Meron daw silang inikutan na alam niya malapit na iyon sa bahay niya, pero nagtataka raw siya bakit parang paikut-ikot lang sila at hindi na raw niya nakikita ang bahay niya.

Nagtataka raw siya sa sarili niya bakit parang hindi na niya alam ang lugar gayung sobrang kabisado na raw niya ito.

Nagsisigaw na raw si Shalala dahil natataranta na siya bakit hindi na raw niya alam kung saan ang bahay niya, at hindi niya naintindihan ang nangyari sa kanya.

Mabuti na lang at meron daw silang nadaanang tatlong binatilyo at pinapara raw niya ito. Doon daw siya nagtanong kung saan na ‘yung ibinigay niya na address ng bahay niya.

Habang nagpa-panic daw siya, parang deadma lang daw ang driver. Hanggang sa nakita na raw niya ang bahay niya at kaagad na bumaba na ito.

Putlang-putla raw siya pagdating ng bahay na mabuti na lang nandun pa raw ang kapatid niya.

Ikinuwento niya ang karanasan niyang iyon, pinahubad daw sa kanya ang suot niyang T-shirt, at ibinabad daw sa tubig.

Sabi raw ng kapatid niya, baka nabudol-budol siya, pero mabuti na lang at hindi raw nakuha ang perang dala niya dahil nag-panic na ito at nagsisigaw.

Pero ganun daw kapag nabudol-budol ka, parang nawawala ka sa sarili at hindi mo na alam nawalan ka na pala ng pera.

vuukle comment

KATHNIEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with