^

PSN Showbiz

Yam, ‘di kayang iwan ang Kapamilya

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Yam, �di kayang iwan ang Kapamilya
Yam Concepcion

Sa Biyernes ay magtatapos na ang teleseryeng Love Thy Woman na pinagbibidahan nina Kim Chiu at Xian Lim. Kabilang din sa naturang proyekto si Yam Concepcion na mananatili pa ring Kapamilya sa mga susunod na buwan.

Ayon sa sexy actress ay mayroon na siyang tinanggihang mga alok mula sa ibang TV networks. “May mga offer na guesting from other networks. Pero hindi ko siya kinuha kasi I’m still under Kapamilya Channel. So ayun, pinipili kong manatili as a Kapamil­ya,” pagtatapat ni Yam.

Isang bagong proyekto na ang pinaghahandaang gawin ng dalaga para sa Kapamilya Channel. Malaki ang pasasalamat ni Yam sa pamunuan ng ABS-CBN dahil sa patuloy na pagtitiwala sa kanyang kakayahan bilang isang aktres. “Hindi ko alam kung pwedeng sabihin na ngayon pero I’m working on something exciting. So ayun, nagpapasalamat ako sa Kapamilya, sa ABS-CBN dahil kahit ganito ‘yung sitwasyon, may trabaho pa rin ako. Sobrang excited ako sa gagawin kong next project,” pagbabahagi ng aktres.

Matatandaang hindi naaprubahan ng Kongreso ang aplikasyon para sa bagong prangkisa ng Kapamilya network na naging dahilan ng pagsasara ng kompanya at kawalan ng trabaho ng libu-libong empleyado nito.

Pokwang, handa uling tanggapin ang yaya ni Malia

Sobrang ikinalungkot ni Pokwang nang malamang hindi na makababalik ang yaya ng bunsong anak na si Malia. Matatandaang pinauwi ng aktres si Gina Mission na naninirahan din sa Antipolo bago pa ipatupad ang community quarantine dahil sa banta ng covid-19 pandemic. “Nag-decide ako na pauwiin sila kahit hindi siya nagsasabi. But I can feel as a mother, I understand. And alam ko ‘yung nag-aalala sila sa pamilya nila especially Yaya Gina. Meron siyang three years old na anak. Mas matanda lang kay Malia ng one year,” kwento ni Pokwang.

Para naman sa kasintahan ng komed­yante na si Lee O’Brien ay talagang maaasahan nila si Yaya Gina sa lahat ng bagay kaya talagang napamahal na ito sa kanila. “We like Gina. Gina is a good yaya. She’s very thoughtful, very hands-on to Malia. We can really trust her. She’s just really focused on taking care of Malia. It made us really feel comfortable and it gave us assurance that if we were seeing Malia and watching her, at least we know she is in good hands being taken care of,” pagbabahagi ni Lee.

Kung sakaling magdesisyong bumalik si Yaya Gina ay buong-puso daw itong tatanggapin ni Pokwang. “Yes, kung babalik siya bukas ang aming bisig at tahanan. Pero nauunawaan ko na mayroon siyang maliit na anak at may hika pa kaya takot siyang iwanan sa ganitong kalagayan nating lahat,” pagtatapos ni Pokwang. Reports from JCC

vuukle comment

YAM CONCEPCION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with