^

PSN Showbiz

Robin may kinalaman Aljur at Kylie, umaming toxic ang umpisa ng relasyon

Ruel Mendoza - Pilipino Star Ngayon
Robin may kinalaman Aljur at Kylie, umaming toxic ang umpisa ng relasyon
Aljur Abrenica at Kylie Padilla

MANILA, Philippines — Sa isang tell-all video, inamin ng mag-asawang Aljur Abrenica at Kylie Padilla na hindi naging maganda ang simula ng relasyon nila noon.

Malaki raw ang kinalaman ng pagiging istrikto ng ama ni Kylie na si Robin Padilla.

“Actually, nung start ng relationship namin, hindi siya masyadong maganda. Hindi siya na­ging maganda. Strict kasi ‘yung tatay ko at ayaw pa niya na magka-boyfriend ako noon. Tapos nung nalaman niya na I was seeing someone, ayun nagkagulo na. There were some things na nailabas sa media na ayaw ko sanang ilabas o malaman kasi ‘di naman kailangan malaman ng lahat kasi it’s a private matter pero nalaman pa rin,” sey ni Kylie.

Toxic nga raw ang ang early part ng relationship nila ni Aljur dahil na rin sa mga taong nakapaligid sa kanila na may kanya-kanyang opinion sa naging pagsasama nila.

“Based on my experience, doon sa earlier part ng relationship natin, ang dami talagang toxic na nangyari na hindi naman kailangan. Hindi lahat ng dirty laundry mo, i-e-ere mo, that’s not how I want my life to be like. Lalo na si Aljur kasi gusto niya talaga low-key. Maganda nga ito kasi we get to talk about it. Kasi nung time na ‘yon, napipilitan lang tayo magsalita kasi kailangan na. Kasi ang gulo na. 

“That’s why now, medyo low-key na kami kasi ang toxic ng first part of our relationship. And now that everything is in our control, ‘yun ang pinipili namin, to keep things more private,” diin pa ni Kylie.

Pero na-survive naman daw ng mag-asawa ang magulong chapter na iyon ng buhay nila. Wala raw pagsisisi si Aljur sa lahat ng mga nangyari.

“Well, we were young. Pero looking back, kung ano’ng desisyon na iniisip ko noon para sa atin ay tama. It’s a good experience din kaya tayo nag-mature ngayon. I mean, kailangan ba malaman ng lahat na tayong dalawa at that time? Nung year na ‘yun, ‘di namin gustong aminin kasi I had a feeling na it’s not the right thing to do. Pero para sa akin, the right thing to do is to be with you, to love you, to take care of you, and that’s what i did at the time. Keep moving forward ‘di ba? Always looking for growth. Kung magkamali ka, so what? At least nagkamali ka nang mabilis,” sey ni Aljur.

Kinasal sina Aljur at Kylie noong December 11, 2018. Ngayon, mayroon na silang dalawang anak, sina Alas Joaquin at Axl Romeo Abrenica.

Monique, makakasama ang big celebrities na tutulong sa nurses sa buong mundo

Kinatuwa ni Monique Wilson ang pagkakasama niya sa bagong theatrical offering ng One Billion Rising para mabigyan ng suporta ang maraming nurses sa buong mundo.

Ang show na ito ay may titulong That Kindness: A Play From And For Nurses at magsisi­mula itong mag-live online on September 9.

Mga big celebrities ang makakasama ni Monique sa naturang play na nais ding magpaabot ng kanilang tulong sa maraming frontline nurses sa buong mundo.

Kabilang dito ay ang Oscar winner na si Marisa Tomei, Emmy winner Billy Porter, comedian and talk show host Rosie O’Donell and singer-actress Connie Britton.

Heto ang pinost niya sa kanyang Instagram:

“So deeply honored to be part of this new piece by V (formerly Eve Ensler)- for nurses everywhere.  And honored to be joining actors Rosario Dawson, Marisa Tomei, Rosie O’Donell, Connie Britton, LaChanze, Liz Mikel, Dale Soules, Stephanie Hsu, Ed Blunt and Billy Porter. JOIN US, 9 September, at 6pm PT, for “That Kindness: A play from and for Nurses Tony-award winning playwright, performer and activist, V (formerly Eve Ensler) presents a play based on stories and interviews with #CNA/#NNOC/#NNU frontline nurses. The performance will feature your favorite actors depicting nurses’ struggles and triumphs during the pandemic. This evening will honor, celebrate and lift up the voice of the registered nurse”

Taylor Swift, ka-tie na si Whitney Houston

Patuloy na nagbe-break ng records ang bagong album ni Taylor Swift na Folklore.

Ang naturang 8th studio album ni Taylor ay ang kauna-unahang album in four years na tumagal ng six consecutive weeks sa top spot ng Billboard Top 200 chart. Tinalo na nito ang record ng 2016 album ni Drake.

Ngayon ay ka-tie na ni Taylor ang legendary singer na si Whitney Houston with the most cumulative weeks at No. 1 among female singers.

Nagtala rin ng biggest opening day for an album by a female artist on Spotify.

Ayon sa Guinness World Record, na-stream ang Folklore for more than 80 million times in a single day.

Despite the pandemic, ang Folklore ang best-selling album of 2020 dahil sa pag-abot sa 846,000 copies within its first 7 days of release. Swift is also the first female artist to have seven albums debut in the No. 1 spot.

Noong nakaraang 2020 MTV Video Music Awards, napanalunan ni Taylor ang Best Direction para sa kanyang music video na The Man.

vuukle comment

ALJUR ABRENICA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with