^

PSN Showbiz

Lovi, tigil muna sa planong makita ang dyowa

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
Lovi, tigil muna sa planong makita ang dyowa
Lovi

Alam mo, Ateng Salve, noong bago pa lang na nagla-lockdown dahil sa covid-19 pandemic, nakatsikahan ko si Lovi Poe at isa nga sa napag-usapan namin ay ang tungkol sa boyfriend niyang Hollywood producer na si Montgomery Blencowe.

Gusto sana noon ni Lovi na magpunta na lang sa Los Angeles, California para makasama si Monty.

Pero hindi nga allowed noon ang mga Filipino to travel.

Medyo naiinip din naman noon si Lovi.

Pero ngayon naman ay hindi na maiinip si Lovi dahil back to work na siya.

Pinaghahandaan niya ang pagla-lock-in taping niya para sa new weekly series ng GMA 7, ang I Can See You.

Bale makakasama niya sa episode sina Tom Rodriguez at Winwyn Marquez, plus Teresa Loyzaga.

Excited na si Lovi para sa taping kung saan ay five days silang naka-lock-in.

So, unang work pa lang ‘yon ni Lovi at after naman, magsu-shooting siya for her new movie sa Viva Films kung saan ay kapareha niya si Joem Bascon.

Pero may time pa rin naman daw na makapag-swab test si Lovi at makapag-quarantine bago magsimula ang shooting ng movie nila ni Joem.

Malamang na end of this month daw ang simula no’n at ang dinig ko ay sa Batangas ang lock-in shooting nila.

In fairness to Viva Films, ilang movies na rin ang nasimulan at natapos nila since allowed na uli ang tapings at shootings.

Sumusunod naman daw sa matinding health and safety protocols ang film outfit ni Boss Vic del Rosario kaya walang dapat ipangamba na gumagawa na uli sila ng movies.

Ang bongga lang ng Viva Films, huh!

Walang Hanggang Paalam, tuloy na uli ang taping

Ang Walang Hanggang Paalam series naman ng Kapamilya Channel, magla-lock-in taping na uli.

Bale babalik na ang cast and crew sa taping nila at sa September 10 ang swab testing nila at lock-in na uli sila sa Subic on September 11.

Ang Walang Hanggang Paalam series ay pinagbibidahan nina Paulo Avelino, Angelica Panganiban, Arci Muñoz, Zanjoe Marudo at iba pa.

Excited na raw ang cast na magtrabaho uli dahil noong nauna raw silang mag-lock-in ay wala naman daw naging problema.

Medyo mahigpit din daw ang ABS-CBN sa health and safety protocols, pero behaved naman daw ang mga artista ng nasabing series dahil ‘yon na naman kasi ang new normal ngayon.

Kailangan talagang sundin ang lahat ng health and safety protocols na pinatutupad para maging safe at masiguradong hindi ka magiging positive sa COVID-19, huh!

Pero tama lang naman talaga ‘yon, ‘di ba, Ateng Salve?

‘Yun na!

vuukle comment

LOVI POE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with