^

PSN Showbiz

Lotlot napikon, nilantad ang naging trato ni Nora

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Lotlot napikon, nilantad ang naging trato ni Nora

Napuno na si Lotlot de Leon sa matin­ding pamba-bash sa kanya na hindi lang tiyak kung Noranians ba talaga ang nagmumura at namba-bash sa kanya.

Kamakalawa ay mahaba ang post ni Lotlot de Leon sa kanyang Facebook account na kung saan inilabas na niya ang saloobin sa isyu nila ng kanyang inang si Nora Aunor.

Matindi na raw kasi ang natatanggap niyang panlalait at paninira na ikinagulat pa niya, nasa fan page pa raw ni Ate Guy ang mga bashing na iyun.

“Sa totoo lang para akong natulala, parang pinagkakaisahan ako.

“I don’t know how or when this started. All my life kahit nung bata pa ako natatawag na akong “ampon” or “ampon ni Nora”

“My parents never made me feel otherwise. But the others, yes.

“May pagkakataon pa nga na si Ian pwede kumain ng delata nung bata kame na nasa cabinet. ‘Yung nag-aalaga kay Ian sabe Sa kanya lang ‘yun. Kahit hindi ko naiintindihan I would just nod and say, “yes po”.

“Kahit sa school may mga nang bully. Kadalasan i would just walk away. May isang pagkakataon din sumagot ako.

“Lahat ng mga kapatid ko, mahal na mahal ko. Wala akong hindi gagawin para sa kanila. Walang makakatumbas sa pinagsamahan namin. Kung alam n’yo lang. Sa hirap at ginhawa I will always try to be there for them, and sila ganun din para sa akin.

“Did we have an easy life. No. Kase kahit naman Sikat at kilala at kinikilala sa buong mundo mga magulang namin hindi naman nag bago buhay namin. Natural lang. Simple pa rin.

“Ang relationship ko kay mommy, Iba. We have never been the “typical” kind of family.

“I have tried my best all these years to be a good daughter. Wala akong hindi sinubukan gawin. Alam ng dios yan.

“Minsan gusto ko ipaliwanag sa lahat kung ano nga ba kame..pero hindi ko din mapaliwanag. Ang alam ko lang mahal ko sya. At cguro kahit nga ipaliwanag ko hindi pa din maiintindihan.

“I don’t know when or how “people” started calling me ungrateful, ingrata walang utang na loob. Hindi ko alam paano or kelan lahat nang ito nag simula. Pagod na pagod na din ako depensahan sarili ko.

“Ang daming accusations sa akin na para bang alam nila kung ano ang TOTOO. Walang kang respeto Ingrata Mahalin mo mommy mo Walang utang na loob Magpakumbaba ka Baitbaitan ka lang Ito ang mga sinusumbat sa akin.

“Nung bata ako, pag sinusuway ako ni mommy kakausapin nya ako. Pag May mga “sumbong” sa kanya. Ang lagi ko lang sagot “yes po ma.” I never answered her back or ni mangatwiran ginawa ko.

“Nang nagkaanak na ako I would always reach out. Walang panahon na hindi ko sya iniisip kahit hindi kame magkasama. Text or tawag. Or puntahan sya ginawa ko.

“I wanted her to be at my wedding, I asked her. How can I not? I wanted her to be “present”. Sa lahat ng occasion sa buhay ko pati na din sa mga anak ko. Wala din sya sa kasal ni Ian, pero bakit hindi kwinenestion yun nang sinuman?

“Nung nawala kapatid nya, si Uncle Buboy... we were there. Nung nasa ICU sya sabay-sabay ka­ming magkakapatid nag punta. Lahat kame. Dinalaw namin sya ulit ni Ian before he passed.

“We will always try to be there for one another. Ka­ming magkakapatid. We will always be there for mom too. Anytime na kailangan nya kame. Basta kaya namin we will be there. I will be there. Walang panahon na hindi ko sya susuyuin. Lalo na kung alam ko na May tampo sya.

“Never naging perpekto buhay namin. May masaya, malungkot, magulo lahat na. Pero ang Lahat ng ito ay personal. Hindi na din para isa-Isahin ko pa. Pero isa lang cgurado, alam ko kahit kailan di ako makakalimot.

“Alam ko May hanganan din ang lahat...”

Sa Martes, September 8 ay may isisiwalat daw si Lotlot sa kanyang You Tube channel ang lahat-lahat.

Paolo mag-a-isolate muna

Sabi nga ang entertainment ang sobrang apektado nang husto sa pandemyang ito. Kahit ibaba na ang NCR sa Modified General Community Quarantine at puwede nang buksan ang mga sinehan, mahirap pa ring mag-shoot ng pelikula dahil  napakadali lang mahawa ng nakamamatay na virus na ito at madalas wala kang kamalay-malay positive ka na pala.

Sa television naman, nagsisimula nang mag-taping ang mga drama series at ilang variety at comedy shows pero hindi muna sinasabay-sabay para ma-handle raw nang mabuti.

May mga naririnig kaming kuwento kung bakit hindi natutuloy ang ilang tapings pagkatapos ma-swab test ang mga artistang involve at production staff. Wala lang inilalabas na pahayag kaya huwag na nating pangunahan.

Mabuti na lang at natuloy ang episode nina Paolo Contis at Andrea Torres para sa I Can See You na kinunan sa Cavinti, Laguna at Lake Caliraya na zero pala ang positive case doon.

Nasa ikaapat na taping days na sila ngayon ng episode nilang The Promise na parang spin off yata ito sa nag-hit sa Netflix na Through Night and Day nina Paolo at Alessandra de Rossi.

Hindi raw kontrabida rito si Paolo, kundi isang mabait na mayaman na namatayan ng asawa, at naging alcoholic at patapon na sa buhay na nung na-meet daw nito si Andrea, sinapian ito ng asawa ni Paolo ni ginampanan naman ni Yasmien Kurdi.

Sabi ni Paolo, maayos naman daw ang taping nila kahit ang daming restrictions dahil sa ipinapatupad na safety protocols and guidelines.

Patapos na sila at umaasang okay lang silang lahat pag-uwi. Pagkauwi raw niya, kailangan niyang mag-self isolate uli ng at least limang araw dahil magpapa-swab test siya uli.

Ganun kahirap ang magtrabaho sa labas. Pero kailangang harapin at todong pag-iingat para walang may magkakasakit.

Malaking bagay din ang ibayong pagdarasal na malagpasan natin itong pinagdaanan nating pandemya.

vuukle comment

FACEBOOK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with