^

PSN Showbiz

Southeast Asian female artists, sanib-pwersa para sa ‘Heal’

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Southeast Asian female artists, sanib-pwersa para sa �Heal�

Magsasama-sama sa unang pagkakataon ang mga Pilipinang mang-aawit na sina Jayda, Jona, Kyla, KZ Tandingan, Lesha, Moira Dela Torre, at Xela at sina Rinni Wulandari at Yura Yunita ng Indonesia, ang grupong DOLLA at si Shalma Eliana ng Malaysia, Haneri at Haven ng Singapore, at si Valentina Ploy ng Thailand para sa isang kakaibang kantang Heal.

Handog ng ABS-CBN Music International ang mensahe ng pag-asa sa pinaka-aabangang all-female song collaboration na mapapakinggan na sa lahat ng digital streaming platforms simula Setyembre 11 (Biyernes).

Ito ang unang proyekto na pagsasamahan ng mga artist mula sa iba’t ibang bansa sa Southeast Asia tampok ang kanilang mga boses na layuning magbigay inspirasyon at pagmamahal para sa paggaling, pagbangon, at pagkakaisa ng mga tao laban sa pandemya.

Last Thursday ay nagkita-kita ang mga mga Asian female artist para sa isang press launching via Zoom.

Lahat sila ay nagpapasalamat at nakasali sa nasabing awitin na composition nina Moophs, Alex Godinez aka Xela, at ng ABS-CBN Music creative director na si Jonathan Manalo na siya ring over-all producer nito.

Isa ring #StreamToDonate project ang kolaborasyon, dahil lahat ng mga nakibahaging mang-aawit ay piniling i-donate ang kanilang hati sa bayad at royalties para sa Pantawid ng Pag-ibig ng ABS-CBN, isang fundraising campaign na hangaring maghatid ng tulong sa mga Pilipinong nawalan ng mapagkakakitaan dahil sa COVID-19 pandemic.

vuukle comment

KZ TANDINGAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with